"Who is she?"Hindi agad sumagot si Haze. Sa halip, binuksan niya ang seat belt niya at bumaba ng sasakyan.Agad ko naman siyang sinundan ng tingin at nakitang lumapit siya sa babae na ngayon ay nakatayo na ilang hakbang lamang mula sa sasakyan.Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil bahagyang nakabukas lamang ang bintana ko. Ngunit kitang-kita ko ang seryosong ekspresyon ni Haze. Maging ang babae ay tila hindi natutuwa sa pagdating namin.Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng kaba.Sino ba ang babae, at ano ba ang relasyon niya kay Haze? At bakit parang hindi siya masaya na makita ako?Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan sa tabi ko. Si Haze iyon at napatingala ako sa kaniya."Come out,” aniya sa mahinahong na tono.Hindi ako agad gumalaw. "Haze...""You'll be more comfortable inside."Pero imbes na intindihin ang sinabi niya, tumingin muna ako sa babaeng nasa likuran niya.Tahimik lamang itong nakatingin sa akin. Bahagya akong nag-alangan bago dahan-dahan
Read more