"Nothing, Haze. Let's just eat..." palusot ko, pagkatapos ay kumain kami muli.Hindi na siya nagtanong pa. Sa halip, tahimik lamang siyang nagpatuloy sa pagkain habang paminsan-minsan ay tinitingnan ako. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa sinigang at cake para hindi niya mahalata ang iniisip ko.Pero kahit gaano kasarap ang pagkain, hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib.Wala talaga akong mauuwian. Isa pa, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Ninang Lea. Na nailipat na niya sa pangalan niya ang bahay, na wala na raw sa akin ang kahit ano. At higit sa lahat, hindi ko alam kung saan ako pupunta pagkatapos naming umalis dito.Hindi naman ako puwedeng basta sumama sa kahit kanino. Wala akong kamag-anak na malalapitan. Wala rin akong kaibigan na maaari kong tawagan at sabihan na, ‘Pwede ba akong tumira sa inyo?’Maging ang sarili kong bahay, na buong buhay kong tinuring na tahanan, ay hindi ko na alam kung maaari ko pang tawaging akin.Kusa akong napatingin ak
Read more