“Bakit ganito lang kaliit ang pinadala niya?” muling tanong ni Eunice.Paulit-ulit niyang chineck ang halagang ipinadala ni Vincent, pero ganoon pa rin. Walang mali, at nang mag-message siya para makasiguro, sinabi rin ni Vincent na hindi siya nagkamali ng padala.“Anong problema? Kulang ba ang sweldo mo?” tanong ni Hector na kanina pa pala nakatingin sa kanya.Kasalukuyan silang nagtatanghalian sa cafeteria ng opisina. Maraming napapatingin kay Eunice nang may inggit dahil nakakakain niya ang boss. Lalo na nang makita nilang ilang beses na ngumiti si Hector kay Eunice, isang ngiting bihira nilang makita.Mabilis na umiling si Eunice. “Hindi po, Sir. Hindi iyon.”“Then what is it?”“Wala po,” sagot ni Eunice habang ibinabalik ang cellphone sa bulsa ng blazer niya. Mamaya na niya tatanungin si Vincent pag-uwi nito.“If it’s not enough, I’ll have them increase it next month,” Hector said again.“It’s enough, Sir.” Gaya ng nakasanayan, tuwing araw ng sweldo ay mas gabi nang umuuwi si Vi
Read more