“Si Vincent ang kumuha?” pagtiyak ni Hector.Patuloy pa ring umiiyak si Eunice at tumango lang.“Kailan? Since Monday pa tayo nandito.”“Feeling ko bago tayo umalis. Simula nung nandito tayo, hindi ko naman nagamit ATM ko kasi ikaw lahat ang nagbayad,” sagot ni Eunice habang hikbi nang hikbi.Hinawakan ni Eunice ang ulo niya na kumikirot sa sobrang sakit. Hindi niya maintindihan kung paano nagawang maging ganoon ng asawa niya. O baka naman, sa buong panahong iyon, siya lang talaga ang hindi nakapansin.Bago sila ikasal, malaki-laki na rin ang ipon ni Eunice, pero ngayon, ubos na lahat. Oo, naubos lahat dahil kay Vincent.Kung anu-anong dahilan ang ginagamit nito, hihiramin daw muna para matulungan ang nanay niya, pambili nito, pambili niyan. Hanggang sa tuluyan nang maubos ang ipon niya, at hanggang ngayon, wala ni piso ang naibabalik.Inisip na lang ni Eunice na dahil mag-asawa sila, hayaan na niya. Ang mahalaga, responsable pa rin si Vincent sa kanya. Pero ngayon? Sa nakaraang dalaw
Read more