Se connecter“Eunice…” tawag ni Brandon.“Opo, Pa.” Lumapit si Eunice.“Salamat.”Tumango si Eunice. Parang may mabigat na bagay na unti-unting naalis sa kanyang dibdib nang makita kung gaano kasaya si Brandon nang marinig siyang tawagin siya nito nang ganoon.“Mamaya, ililipat na si Papa sa regular na kuwarto. Ilang araw muna siyang mananatili rito hanggang tuluyang gumaling,” paliwanag ni Hector.“Ako na ang magbabantay kay Papa,” sabi ni Ara.Tumango si Eunice at marahang tinapik ang balikat ni Ara. Hindi siya nagalit at wala rin siyang balak makipag-agawan sa oras o atensyon ng ama. Ang gusto lang niya ay maging maayos ang buhay nilang lahat, kahit magkakaiba ang landas na tatahakin nila.“Bakit hindi mo ako tinawagan nang masama ang pakiramdam mo?” tanong ni Eunice.Saglit niyang tiningnan si Brandon bago muling umiwas ng tingin. Hindi pa rin siya sanay sa ganitong klaseng closeness. Sa loob ng maraming taon, malamig ang naging relasyon nila. Mabuti na lang at laging nandiyan si Hector para u
“Papa…” tawag ni Ara.Lumapit si Eunice, kasunod si Hector na karga si Hestia.“Ano’ng nangyari?” tanong ni Eunice.“Hindi sumasagot si Papa. Kanina pa ako kumakatok,” sagot ni Ara, halatang kinakabahan.Napatingin si Eunice kay Hector. Agad niyang kinuha si Hestia mula sa mga bisig ng asawa.“Love, tawagin mo si Papa. Kapag hindi pa rin sumagot, kailangan nating buksan ang pinto,” sabi niya.“Papa, kami ’to. Nandito kami,” malakas na tawag ni Hector.Ngunit wala pa ring sagot mula sa loob.Sa huli, napagpasyahan ni Hector na piliting buksan ang pinto.“Love, tulungan mo muna ako. Hindi ko yata kakayanin mag-isa,” sabi ni Hector.“Oo.”Namumutla na si Eunice sa takot. Hindi niya maiwasang mag-alala. Bumalik sa isip niya ang pagkawala ng kanyang ina kamakailan. Hindi niya kakayaning mawala rin ang kanyang ama ngayon.Kahit hindi pa niya lubusang natatanggap si Brandon bilang ama, hindi pa rin siya handang tuluyang mawala ito.“Palagi bang ganito?” tanong ni Ara kay Eunice.Umiling si E
“Kung tutuusin, baka nagkataon lang talaga ang lahat ng ito,” sabi ni Ara matapos sandaling mag-isip.Tiningnan ni Eunice ang magandang babaeng nakaupo sa tabi niya. Hindi niya man lang alam kung ilang taon na si Ara o kung ano ang ginagawa nito sa buhay.Pero nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito, na para bang napakarami nitong kinikimkim, hindi niya maiwasang maalala ang sarili niya noon. Ang pinagkaiba lang, dati, problema niya ay pera at ang hirap ng buhay kasama ang mga magulang niyang kapos sa lahat.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Eunice.“Hindi pinili ni Papa ang lahat ng ito dahil sa’yo. Pagod na rin siguro siya sa sitwasyon namin. Baka naramdaman niyang ito na ang tamang pagkakataon para magsimula ulit. Tapos, dahil nalaman niyang nandito ka, naisip niyang baka panahon na rin para itama ang pagkukulang niya sa’yo.”“Ara, ayokong makialam sa mga problema ng pamilya ninyo,” sabi ni Eunice.Iyon ang pinakainiiwasan niya. Ayaw niyang malaman ang mga problema sa pam
Sandaling natigilan si Eunice, tila pinoproseso pa ang impormasyong narinig niya.“Oh.”Iyon lang ang tanging nasabi niya. Hindi niya rin alam kung ano ang tamang isagot, lalo na’t hindi niya alam kung bakit siya hinanap ni Ara.“Tatayo ba ako rito buong araw?” tanong ni Ara.Doon lang napagtanto ni Eunice na kanina pa pala niya pinapatayo sa may pintuan ang babae. Hindi man lang niya ito naimbitahang pumasok o maupo sa veranda.“Ah, sige. Maupo ka,” sabi ni Eunice.Naglakad si Ara papunta sa veranda at umupo sa isang upuan. Walang emosyon ang mukha nito habang palinga-linga sa paligid.Mula sa loob ng bahay ay narinig nila ang boses ng isang bata. Si Hestia iyon, masayang naglalaro kasama si Hector.“Iyon ang anak ko,” sabi ni Eunice.“Nasaan si Papa?” tanong ni Ara.Marahil ay kanina pa hinihintay ni Ara na lumabas ang kanilang ama o kahit man lang marinig ang boses nito. Pero ang naririnig niya ay tawa ng isang lalaking alam niyang hindi si Brandon. At sa paligid, wala ring bakas n
“Sige na, umuwi na tayo,” pagsuko ni Hector.“Oo nga. Ano pa bang ginagawa natin dito? Gusto mo bang dito na tayo magpalipas ng gabi?”“Oo, love,” biro ni Hector.Muling pinaandar ni Hector ang sasakyan. Paminsan-minsan ay palihim siyang sumusulyap kay Eunice habang nakangiti.Ngayong mag-asawa na sila, marami siyang bagong natutunan tungkol kay Eunice.Dati, ang alam niya, sobrang lambing at mahinahon ni Eunice. Hindi ito madaling magalit at halos wala siyang nakikitang dahilan para magtampo ito. Pero ngayon, napagtanto niyang babae pa rin si Eunice—may sarili ring topak, tampuhan, selos, at mga kakaibang paraan ng pagpapakita ng nararamdaman.At may isang bagay na malinaw na malinaw kay Hector ngayon:Hindi kailanman nagkakamali si Eunice.At kung sakaling magkamali man siya, malamang kasalanan pa rin ni Hector.Kaya kapag may problema silang dalawa, si Hector ang unang kailangang magpakumbaba at humingi ng tawad. Kapag galit si Eunice, kailangan niyang makinig at hayaan muna itong
“Kung anu-ano ang sinasabi mo,” saway ni Hector, bahagyang naiinis.“So, ano nga ang pangalan ng asawa mo?”Hindi na sumagot si Eunice. Mahigpit na nakatikom ang mga labi niya at unti-unti rin niyang binawi ang kamay na kanina’y hawak ni Hector. Tuluyan nang nawala ang gana niyang manood ng sine.Samantala, natigilan din sina Brian at Mara. Hindi nila alam kung ano ang dapat sabihin. Ramdam nilang hindi na maganda ang sitwasyon.“Eunice ang pangalan ng asawa ko. At ikaw ang magpaliwanag sa kanya na hindi totoo ang lahat ng sinabi mo!” mariing sabi ni Hector, halatang galit.Ngumiti si Jessi kay Eunice.“Sorry. Nagbibiro lang ako. Magkababata kami ni Hector. Magkalapit lang ang bahay namin noon kaya close kami. Nagkataon lang na nagkita kami rito.”“Oh,” maikling sagot ni Eunice.“Aalis na ako, Hector. Sana magkita ulit tayo minsan.”Walang bahid ng pag-aalala sa mukha ni Jessi habang kumakaway kay Hector bago tuluyang umalis. Para bang wala lang sa kanya ang nangyari.Samantala, tuluy
“Nakauwi na ba si Vincent?” tanong ni Hector kay Eunice nang hindi pa rin inaalis ang titig niya.“H-hindi pa, sir,” kinakabahan niyang sagot.Hindi alam ni Eunice ang kanyang irereact. Kung iiwas siya ng tingin ay baka isipin nitong wala siyang respeto. Pero kung makikipagtitigan naman siya rito a
“Kung ano na lang ang mas appropriate, Mr. Elizalde,” aniya.Hector chuckled and returned to his seat. Maya maya pa ay may kausap na ito sa telepono, apparently confirming Eunice’s appointment letter as his secretary to HR.“You start tomorrow,” sambit ni Hector matapos nitong makipag usap.Sinabih
“How about that?” nanunuyang tanong ni Hector, tila siguradong sigurado na hindi iyon tatanggihan ni Vincent.How could he?For years, Vincent had worked as hard as possible, trying to get close to him and get his attention. Ginagawa nito ang lahat para lang matuwa ito sa kanya, ngunit hanggang nga
Hindi sigurado si Vincent kung paniniwalaan niya iyon dahil hindi naman siya sinabihan ng boss niya na didiretso ito sa bahay nila.“Oo, kanina pa siya dito. Kalahating oras na,” ani Eunice.Hindi na siya pinansin ni Vincent at nagmadaling tumungo sa sala kung saan niya nakita si Hector na prenteng







