“What are you doing here? And what’s with the selfie?” Hindi alam ni Hestia kung matatawa siya nang maalala iyon.Nakapamulsa si Levi habang nakasandal sa hood ng kotse nito. Bakas ang pagod sa mga mata ng lalaki na matamang nakatingin sa kanya. Napansin niyang tila wala pa itong maayos na tulog.“To assure you that it’s me… here,” paos na sagot ni Levi.Saglit na bumuka ang bibig ni Hestia sa amusement dahil hindi niya iyon naisip. Tuloy ay mas lalong hindi niya alam ang irereact.“So…” Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig niya.Patuloy ang paninitig sa kanya ni Levi. Seryoso lang ang ekspresyon nito ngunit may kung anong lambot sa mga mata nito. Wait, sisingilin na ba siya nito dahil sinira niya ang first, huge campaign ng Lumen?“That night I asked you to meet me… I needed to say something to you,” panimula nito.Hestia’s shoulders calmed. Oo nga pala. Hindi pa sila nagkakaroon ng oras para pag usapan ang tungkol doon.Katulad niya, masyadong naging abala ang lahat dahil sa nangy
Read more