Nagkatinginan ang mga reporter.May ilan agad na nagsimulang mag-type sa kanilang mga laptop at cellphone habang ang iba naman ay nakatutok sa kanya ang mga camera.Sa Elizalde mansion, hindi rin inaalis ni Eunice ang tingin sa television. Katabi niya si Hector habang nakatayo naman si Hendrix sa likuran ng sofa.“That's my girl,” mahinang bulong ni Eunice.Samantala, sa kabilang bahagi ng lungsod, tahimik na nakaupo si Nathan habang pinapanood ang livestream. Hindi niya inaasahan na ganito kabilis babalik si Hestia. Akala niya ay mananatili itong nagtatago.Akala niya ay sapat na ang video para tuluyan itong sirain. Ngunit heto ito ngayon. Walang luha at takot. Higit sa lahat, parang handang handa itong lumaban.“Ano bang balak niyang sabihin?” tanong ni Alea habang nakatitig din sa television.Hindi sumagot si Nathan. Nanatiling nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan si Hestia.“I know what you saw,” pagpapatuloy ni Hestia. “Nakita niyo ang isang babae na nasa isang kwarto kasa
Read more