تسجيل الدخولMuli siyang hinila ni Hector sa isang yakap.Sa pagkakataong ito, hindi na iyon padalos-dalos.Kalmado at puno ng kasiguruhan.Marahan niyang hinalikan ang noo ni Eunice at nanatili roon sandali.“Huwag mong sisihin ang sarili mo,” mahina niyang sabi. “At huwag mo na ring itago ang totoo mong nararamdaman. Nandito ako. Hindi na ako aalis. Sasamahan ko kayo ni Hestia. Pagkatapos nito, magpapakasal tayo.”Marahang itinulak ni Eunice ang dibdib ni Hector para magkaroon ng kaunting pagitan sa kanila. Tumingala siya rito. Hindi mabasa ang ekspresyon niya. Hindi galit, pero hindi rin masaya. Halo-halong emosyon ang makikita sa mukha niya.“Anong iniisip mo?” maingat na tanong ni Hector.“Sa tingin mo ba, ganoon lang kadaling magpakasal?” Napabuntong-hininga si Eunice. “Hindi lang tayong dalawa ang involved sa kasal. Nandiyan ang pamilya mo. Ang mama mo na simula pa lang ay ayaw na sa'kin. Ang daming taong masasangkot.”“Sa totoo lang, hindi ko naman naramdaman na parte talaga ako ng pamilya
“Mr. Elizalde, mali 'to,” paos na sabi ni Eunice. Halos pabulong na lang ang boses niya.Pero taliwas sa mga salitang lumabas sa bibig niya ang reaksiyon ng katawan niya.Gusto niyang umiwas. Gusto niyang tanggihan siya. Pero tila sabik ang bawat bahagi ng katawan niya sa bawat haplos ni Hector. Unti-unting umangat sa ibabaw ang pananabik na matagal niyang pilit itinago. Hindi na niya iyon maikakaila. Na-miss din niya si Hector. Na-miss niya ang init ng yakap nito at ang lambing ng bawat haplos.Hindi sumagot si Hector.Sa halip, muli niyang hinalikan si Eunice. Marahan, pero punong-puno ng damdaming matagal niyang pinigilan. Halik iyon na puno ng pananabik at pagmamahal.Sa umpisa, nagpigil pa si Eunice. Hindi niya agad sinuklian ang halik.Pero kalaunan, bumigay rin siya.Marahan siyang tumugon hanggang sa tuluyan na niyang sinuklian ang halik ni Hector. Nagsalubong ang kanilang mga hininga habang pareho silang nalulunod sa damdaming matagal na nilang kinikimkim. Wala ni katiting na
“So?” tanong ulit ni Eunice sa mahinang boses. Halatang hindi pa rin siya lubusang nakaka-recover sa gulat.Maya-maya, umalingawngaw ang masayang tawa ni Hestia mula sa loob ng bahay. Magaan at walang bahid ng sakit ang bawat halakhak niya, na para bang tuluyan na niyang nalampasan ang lahat ng pinagdaanan.Naghanda si Wendy ng simpleng salu-salo bilang welcome home para kay Hestia. May ilang makukulay na lobo at ribbons na nakasabit sa sala, at sa isang sulok ay may mga regalong maayos na nakalagay. Hindi man bongga, ramdam na ramdam naman ang init ng pagtanggap.“Tatlong araw nang lumipat si Hector,” sagot ni Wendy habang itinuturo ang bahay sa tabi nila. “Yung kasama niya roon, kasambahay niya. Kahapon kasi, nagpatulong siyang maghanap ng maid, tapos nagkataon namang naghahanap din ng trabaho si Sonya.”Napabuntong-hininga si Eunice. Parang biglang sumikip ang dibdib niya. Kung magpapatuloy ang ganito, mawawala na ang distansya sa pagitan nila ni Hector. Araw-araw na nga silang nag
Napalingon si Eunice nang marinig ang katok sa pinto. Pero nanatili pa rin ang tingin niya kay Hestia, na mahimbing pa ring nakasandal sa mga bisig ni Hector.Hanggang ngayon, hirap pa rin siyang paniwalaan ang nakikita. Ang batang dati'y umiiyak at nagpupumiglas kapag may ibang bumubuhat dito ay ngayon ay kalmado—at mukhang komportableng-komportable pa—sa yakap ni Hector, kahit kakakilala pa lang nila sa isa't isa.“Umorder ako ng almusal,” mahina na sabi ni Hector, sinisigurong hindi magigising si Hestia. “Dumating na yata ang delivery. Pakibuksan mo naman ang pinto.”Napakurap si Eunice, na tila ngayon lang natauhan. Wala siyang sinabi at agad na nagtungo sa pinto. Pagbukas niya, isang delivery rider ang naghihintay sa labas, may bitbit na ilang paper bag. Hindi lang almusal an
Napakatahimik ng kuwarto. Mahimbing na natutulog si Hestia sa hospital bed. Maayos na ang paghinga nito, at mas payapa na ang maliit nitong mukha kumpara kaninang hapon, kahit nakakabit pa rin ang dextrose sa kanyang braso at may mga bendang nakabalot sa ilang bahagi ng kanyang munting katawan.Sa kabilang bahagi ng kuwarto, magkatabing nakaupo sina Eunice at Hector nang hindi nagkikibuan. Pareho silang abala sa kani-kanilang iniisip.“Bakit pinili mong umalis?” tanong ni Hector, na siyang bumasag sa katahimikan.Malalim na bumuntong-hininga si Eunice. Matagal na niyang hinihintay ang tanong na iyon, at alam niyang darating ang araw na itatanong iyon ni Hector.“Ang relasyong pinipilit, hindi kailanman magiging masaya ang ending,” mahina niyang sa
“Anak, gusto mo bang buhatin ka ni Daddy?” tanong ni Hector habang puno ng pag-asa ang tingin kay Hestia.Patuloy pa ring inaalo ni Eunice ang bata at ginagawa ang lahat para tumahan ito. Malamang na hindi komportable si Hestia dahil sa dextrose at sa mga bendang nakabalot sa iba't ibang bahagi ng katawan niya.“Hindi siya madaling maging malapit sa mga bagong tao. Sina Mara at Brian lang talaga ang kasundo niya,” mahina na sabi ni Eunice.Narinig iyon ni Hector, pero hindi siya sumuko. Dahan-dahan pa siyang lumapit nang kaunti nang hindi namimilit. Gusto lang niyang masanay si Hestia sa mukha niya. Hindi niya inaalis ang tingin dito, sinusubukang namnamin ang bawat detalye ng anak na hindi niya nasaksihan habang lumalaki.Kahit umiiyak pa rin sa
Eunice’s body tingled as she felt Hector’s breath so close to her. Yet she made no attempt to move away.Ngunit bago pa man mangyari ang inaasahan nilang dalawa ay nagulat sila sa malakas na busina ng dalawang motor ng mga security guard na rumuronda nang mga oras na yon.Mabilis na umatras ang dal
Hindi sigurado si Vincent kung paniniwalaan niya iyon dahil hindi naman siya sinabihan ng boss niya na didiretso ito sa bahay nila.“Oo, kanina pa siya dito. Kalahating oras na,” ani Eunice.Hindi na siya pinansin ni Vincent at nagmadaling tumungo sa sala kung saan niya nakita si Hector na prenteng
“Nakauwi na ba si Vincent?” tanong ni Hector kay Eunice nang hindi pa rin inaalis ang titig niya.“H-hindi pa, sir,” kinakabahan niyang sagot.Hindi alam ni Eunice ang kanyang irereact. Kung iiwas siya ng tingin ay baka isipin nitong wala siyang respeto. Pero kung makikipagtitigan naman siya rito a
“Trabaho na naman? Wala ka na bang ibang bukam-bibig kundi yan na lang?!” Tila pikon na pikon nang bulalas ni Vincent sa kanyang asawang si Eunice.Galit na kinalabog niya ang mesa dahilan para sabay-sabay na manginig ang mga plato, kutsara, at basong naroon. Tuwing umaga na lang kasi niyang nariri







