(Labanan ang black witches)CELESTIA'S POV"Alexander, puwede ba, dahan-dahan naman sa paglalakad! Tapos, naririnig ko pa, nasa isipan mo na natatakot kang maputukan ng chemical sa mukha mo. Lalo akong nahihilo dahil nasa akin pa rin ang high blood mo!" bulong ko sa kaniya habang binabagtas namin ang madilim at malamig na hallway ng laboratory. "Hindi ako natatakot sa mukha ko, Celestia. Iniisip ko lang na kapag may nangyaring masama sa akin, sino na ang magpapakain sa inyo ng anak ko ng mga mamahaling steak gabi-gabi?" ganting pabulong ni Alexander habang maingat na itinataas ang kaniyang dalawang kamay na pilit niyang pinipigilang mag-spark ng gintong apoy.Sa bawat hakbang namin, lalong sumasakit ang ulo ko. Dahil nasa akin ang mind-reading telepathy ng pamilya ko na may halong hypertension ni Alexander, naririnig ko pati ang vibration ng mga makinarya sa paligid. Para akong nakalunok ng isang sako ng kape sa tindi ng kaba at kabog ng dibdib ko."Mommy, Daddy, hinto po!" Biglan
Baca selengkapnya