(Ang unang babala mula sa 13 pillars of shadow ng Obsidian Circle)CELESTIA’S POV"Isang Ube flavor at dalawang Cookies and Cream nga po, Ma'am!" masayang sigaw ng isang estudyanteng naka-uniporme habang abot-abot ang ngiti sa harap ng aming counter."Heto na, pampatalas ng kaisipan sa exam!" Nakangiti kong iniabot ang bagong gawang garapon ng cereal.Napakasaya ng araw na ito. Pormal nang nag-open ang Ellie's Akhine Choco Krunch Cereal shop dito sa Quezon City.Punong-puno ng mga makukulay na lobo ang labas, at may malaking tarpaulin ng aming pamilya na walang kupas ang ganda. Salamat sa advanced mixing tech na ipinalagay ni Alexander. Mabilis at malinis ang produksyon namin ng limang flavors: Chocolate, Ube, Matcha, Rainbow, at Cookies and Cream. Hinding-hindi nila alam na bawat batch ay may kaunting alchemical touch ko para sa magandang kalusugan!"Mommy! Sabi ko sa'yo, papaldo tayo ngayon, eh!" daldal ni Basti habang pinupunasan ang mga lamesa gamit ang kaniyang maliit na basahan
اقرأ المزيد