CHAPTER 32“Sir Julian! Kaya mo bang maglakad? Umupo na muna tayo,” patuloy na sigaw ko sa kanya.Inalalayan ko siyang maupo sa sofa na malapit lang sa amin. Nanginginig na ako dahil sa takot. May sakit ba siya? Pangalawang beses na ‘to, ah? Lumabas na siya ng ospital kahit hindi pa siya magaling.“Sandali, sandali lang, Sir! Kukuha lang ako ng tubig! Teka lang,” Tatayo na sana ako ngunit hinawakan niya ang aking kamay upang pigilan ako. “C-calm down. I am o-okay...” nahihirapang sabi niya. Umiling ako. Hindi siya okay! Pumipikit-pikit na ang kanyang mga mata at putlang-putla pa rin ang mga labi.“Sir, hindi ka okay! Tatawag ako ng ambulansya. Dadalhin kita sa ospital,” Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay, naghahabol pa rin siya ng kanyang paghinga.“Relax, Callie... Give me some time... No need to bring me to the hospital,” “Sir!” malakas na sigaw ko nang makitang pumikit na ang mga mata niya. Dahil sa aking takot ay inalog ko pa ang magkabilang balikat nito para lang mag
閱讀更多