CHAPTER 53He's extra sweet to me now. Palagi ring nanghahawak sa akin. Which I find weird.Napilitan akong ngumiti nang tipid kay Manang Allian. Hindi ko mapigilang magtaka, naniniwala pa rin ba talaga siyang girlfriend ako ni Sir Julian?"Pumasok ka na sa loob, Callie. Hindi 'yan aalis dito kung hindi ka niya dala-dala. Aalis pa naman ngayon si Sir, baka mamiss ka niya kung hindi mo siya sasamahang kumain," pagtataboy niya sa akin. Parang kanina lang, pilit pa niya akong inilalayo kay Sir Julian."Dito na lang po ako sa inyo, Manang. Kaya na po ni Sir Julian na kumain ng mag-isa," mahina kong tugon.Ngunit sa halip na bumitaw, mas lalo pang humigpit ang yakap ni Sir Julian sa aking bewang. Tila ayaw na niya akong pakawalan. “Let’s eat together, Callie. Bukas pa ako babalik dito,” bulong niya sa akin, malapit na malapit sa aking tenga.“Kayong dalawa, umalis na kayo sa harapan ko! Naiinis na ako sa inyo!” pasigaw na sabi ni Manang.“Sabayan mo na siyang kumain, Callie. Pagbigyan mo
閱讀更多