CHAPTER 64Out of nowhere nakatanggap ako ng text mula kay Ma'am Sophia. 'Good morning, Callie. How are you? Did you give birth already?'Nagdadalawang-isip pa ako kung magrereply ba ako sa kanya. Ayaw kong sabihin, hindi ko gustong malaman niya na nanganak na ako. At the end, I decided not to reply. For my peace of mind na rin. This is for my child. Kung kailangan kong ilihim sa lahat ng tungkol sa aking anak gagawin ko. Tsaka na lang ako magrereply sa kanya. Gagawa na lang ako ng dahilan.“Callie, I brought our breakfast here,” wika ni Sir Julian.Pinapadede ko pa ang anak namin. Buti nga nung lumabas siya ay ang dami ko ng gatas, hindi na kami mahihirapan. “Wait lang, Sir. Mauna ka na, patatapusin ko muna si Cael,” sagot ko sa kanya.Hinaplos ko ang buhok ng anak namin, ang itim at kapal ng buhok niya. Namana rin syempre sa kanyang tatay.“Pagkatapos ni Cael si Daddy naman?” nakangising tanong niya.Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Sumakit bigla ang pagkababae ko dahil sa hirit
閱讀更多