تسجيل الدخولNakita ni Luther na magkasama sina Harmie at Lander na tila galing sa pamamasyal. May mga binili din si Lander na hindi niya mawari maging kay Harmie. Lihim na napabuntonhininga si Luther, matigas talaga ang ulo ni Lander. Binalaan na niya ito subalit tila mas lalo lamang nitong inaakit amang inosenteng si Harmie."Senyorito, salamat po sa libre niyong mga pabango at sa libreng kain saka meryenda." Sabi ni Harmie nang makarating na sila sa loob ng Mansyon.Mahina namang tumawa si Lander."Basta ikakasaya mo, lahat gagawin ko. And here, this is all yours!" Sagot ng binata sabay abot sa mga hawak niyang paper bag kay Harmie.Napanganga naman si Harmie. "Senyorito! Hindi ba sa girlfriend mo ang mga 'yan? Bakit ngayon ibinibigay mo na sa akin?" Bulalas ng dalaga.Muling tumawa si Lander. "As of now, I have no girlfriend. Hindi ako mangungumpisal sa'yo kung may girlfriend ako," anito.Unti-unting nanulis ang nguso ni Harmie na tumingin kay Lander."Sinusuhulan mo ba ako, Senyorito?" Tanong
Napatigil si Harmie sa paghinga. Literal na tumigil ang mundo niya nang sandaling iyon, tapos parang lumundag ang puso niya sa kanyang lalamunan. Seryoso ba talaga? Si Senyorito Lander? Nagbibiro lang siguro 'to. Pinagtitripan na naman siguro siya ng lalaking 'to kasi alam nitong wala siyang alam sa mga ganito."Senyorito Lander..." mahinang tawag niya sa pangalan ng binata, habang pinipilit iwasan ang mga titig nitong parang tunaw na tsokolate na kayang magpalambot ng kanyang tuhod kahit labag sa kanyang kalooban.Ramdam ni Harmie ang init ng kanyang mga pisngi. Sigurado siyang namumula na naman siya hanggang sa kanyang tenga, at ang masama pa nito, alam ng binata na naiilang siya."Hindi ako nagbibiro, Harmie," seryosong wika ni Lander. Mas lalo siyang kinabahan si Harmie sa lalim ng boses ng binata. Walang halong biro, walang ngisi sa labi. Seryoso talaga ang binata. "Alam ko gulong-gulo ka ngayon. Naiintindihan ko. Pero seryoso ako sa sinasabi ko. Gusto kita. At hindi ko na kay
Ilanv araw ding iniiwasan ni Harmie ang kanyang Senyorito Lander. Maging sa kanyang Senyorito Lance niya ay medyo din umiwas siya kagaya ng bilin ng Inay nito. Parang naiintindihan na din talaga ni Harmie na hindi sila puwede ng kanyang Senyorito Lander. Noon lang siguro napagtanto ng dalaga na seryoso pala si Lander sa ipinapakita at itinatawag nito sa dalaga. Na ang buong akala ni Harmie ay panunukso at pang-aasar lang ni Lander ang kulitin siya araw-araw, maging sweet ito sa kanya at palaging tinatawag na honey nito.Pero hindi naman sumuko agad si Lander dahil isang araw ay ipinagpaalam nito si Harmie na kasama niyang mamimili sa Mall. Ayaw sanang payagan ni Mona si Harmie subalit nakita nitong seryoso ang kanilang Senyorito kung kaya't wala na itong nagawa pa. Katulong naman sila doon sa Mansyon at ang mga amo pa rin nila ang masusunod hindi sila."Ano naman ang bibilhin mo dito sa Mall Senyorito? Huwag mong sabihing personal na gamit mo po at hindi mo kayang mag-isa kailangan mo
Halos maibuga ni Aling Mona ang ang nginunguya niyang pagkain na piraso ng tuyong isda sa plato nang bigkasin ni Harmie ang mga katagang iyon. Nanlaki ang mga mata Ginang, at napatampal siya sa sarili niyang dibdib habang pilit na inuubo ang nakabara sa kanyang lalamunan."Ano’ng pinagsasasabi mo riyan, Harmie? Diyos ko, huwag ka ngang mag-imbento ng kuwento!" bulyaw nito sa kanyang anak.Nanginginig pa ang kamay niya habang inaabot ang baso ng tubig para uminom.Pero si Harmie? Aba, kumakalma lang habang nakatungo sa malaking hapag-kainan, walang bakas ng kaba o takot sa mukha niya. Para bang simpleng tsismis lang ng kapitbahay tungkol sa presyo ng kamatis ang ibinubunyag niya, hindi ang mukha at pangalan ng mga may-ari ng mansyong pinaglilingkuran nila.."Hindi po ako nag-iimbento, Inay," kalmadong sagot niya, malinaw ang bawat salita. "Narinig ko po sila. Si Senyorito Luther at Senyorito Lander. Nagtatalo po sila doon sa may gilid ng halamanan kanina bago po ako nagpunta dito sa q
HARMIENaiinis pa rin ako hanggang ngayon habang iniisip ko yung ginawa ni Sir Lander kanina sa garahe. Nakakainis kasi. Bigla-bigla na lang susulpot sa likod ko tapos yayakapin ako nang mahigpit habang abala ako sa pagpupunas ng alikabok sa hood ng itim na SUV. Sa sobrang gulat ko, nabitawan ko yung basahan at napatili ako nang pagkalakas-lakas. Parang gusto ko na ngang maiyak sa sobrang kaba, tapos siya naman, tawa lang nang tawa habang tumatakbo palayo para iwasan yung mga pinaghahampas ko sa kanyang lumang diyaryo.Pero hindi doon nagtapos ang lahat. Alam kong nakita ni Sir Luther ang buong eksena. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung seryoso at malamig na titig habang pinapanood kaming dalawa. At ngayon, habang naglalakad ako pabalik sa kusina para kumuha ng panibagong timba ng tubig, nadatnan ko silang dalawa ni Sir Lander sa may gilid ng lanai, malapit sa mga halaman ni Manang Susan. Seryoso silang nag-uusap. Napahinto tuloy ako sa paghakbang, hindi ko alam kung didiretso ba ak
Nakokonsensya si Luther pagkatapos ang sagutan nila ni Harmie. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang amuin ang dalaga. Na hindi naman sana dapat dahil anak lang ito ng katulong at anak siya ng amo nila. Pero bakit siya nasasaktan nang makita nitong naiyak ang dalaga?Napabuntonghininga si Luther. Bumangon ito nagpasyang bumaba para kausapin niyang muli si Harmie. Sinunod niya lang ang bilin ni Maja bago ito umalis ayaw na niyang lagi silanv nagbabangayan ng dahil lang kay Harmie. Hindi pa naman naiintindihan ni Maja ang kalagayan ni Harmie hindi ito naniniwala na hindi normal ang dalaga. Na slow learner ito dahil sa naging sakit nito noon kaya hindi din masyadong nakakaiintindi minsan si Harmie."Harmie?!" Bulalas ni Luther nang makita nitong nagpupunas ng chandelier ang dalaga sa may sala.Nakaapak ito sa mataas na ladder kampante itong nakaupo sa dulo na para bang hindi takot malaglag."Harmie bumaba ka diyan. Hindi gawain ng isang babae 'yan!" Mabilis na utos ni Luther sa d
Abala ang mga tao sa Mansyon dahil parating ang panganay na anak nina Don Klint at Donya Hillary na si Luther. Doon kasi ito magpagaling mula sa pagkaka-aksidente nito. Iyon din ang advice ng Doktor para sa agaran nitong paggaling."Harmie, halika!" Tawag ni Mona sa anak nito.Doon na lumaki sa Man
Mas maagang nagising si Harmie sa araw na iyon at may therapy session siya at check up. Dati buwan-buwan ang kanyang therapy session at check ups pero mas malala noong bagong labas siya ng hospital. Weekly ang kanyang mga check ups at therapy sessions dumating pa 'yong puntong naging buto't balat n
Naglakad-lakad nang hapong iyon si Luther kasama si Harmie sa malawak na bakuran ng Mansyon. Plano din ng binata na maglakad -lakad ito sa labas at sa kabukiran kapag medyo okay na talaga ang pakiramdam niya."Tubig Senyorito?" Alok ni Harmie nang makita nitong humihingal na si Luther.Naupo naman
Maagang nagising si Harmie may iinuming gamot si Luther sa eksaktong alas sais. Naibigay na ni Yaya Gina ang talaan sa kanyang mga pang-araw-araw na routine kay Luther. Idinikit na niya iyon sa dingding para hindi niya makallimutan at para lagi niyang nakikita. Pagkarating ni Harmie sa harap ng pin







