Umuwi si Scarlett na dala ang galit, sama ng loob, at matinding pagkadismaya. Magkasama silang umuwi ni Joshua sakay ng isang taxi.Hinayaan na lang si Rafael na manatili sa hotel kasama ang babaeng iyon.Wasak na wasak ang damdamin ni Scarlett. Naisip nia na mukhang matagal nang magkakilala ang dalawa.Napakatanga ba niya dahil mahal na mahal niya si Rafael, hanggang sa nagawa niyang gawin ang pinakabaliw na bagay—ang makipagrelasyon sa sarili nilang kasambahay?Si Joshua, na nakaupo sa tabi ni Scarlett, ay napansing malungkot ang mukha ng kanyang amo. Hindi ito ang unang pagkakataong nakita niyang umiiyak o nagagalit si Scarlett. Madalas niyang makita na mag-away sina Scarlett at Rafael, at kadalasan ay si Scarlett ang nasasaktan.Ngunit iba ang lungkot na nakita niya ngayon.Parang may napakalalim na sugat na iniwan ang gabing iyon."Ma'am Scarlett, gusto n'yo po bang uminom? Nakabili po ako ng mineral water sa hotel. Hindi kasi ako sanay na walang tubig. Heto po, kung gusto n'yo,
Read more