Magiliw na ngumiti si Joshua habang inilalapag ang mga inumin at meryenda sa mesa. Hindi man lang kumukurap si Scarlett habang nakatingin sa kanya. Ganoon din si Marisol na halatang hindi pa rin maka-move on sa matipunong katawan ng binata."Narito na po ang inumin, Ma'am," magalang na sabi ni Joshua."Salamat, Josh," nakangiting sagot ni Scarlett.Samantala, napansin ni Edi ang paraan ng pagtitig ng asawa kay Joshua. Kilalang-kilala niya si Marisol—mahina ito sa mga lalaking matipuno. Samantalang siya, simula nang magkasakit, ay unti-unting namayat at nawala ang dating tikas."Sino siya, Ate?" usisang tanong ni Edi.Bago pa makasagot si Scarlett, agad nang sumingit si Marisol."Siya si Joshia, ang kasambahay ni Ate Scarlett. Tingnan mo naman ang katawan niya, ang macho! At napakasipag pa. Marunong maglinis, maglaba, maghugas ng pinggan, magluto... halos lahat kaya niyang gawin. Ang swerte talaga ni Ate!"Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Edi. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagh
Read more