WHAT AVIanna SAWAvianna’s POVHindi ko alam kung bakit ako napunta roon. Siguro dahil sinabi ni Kyrex na may kailangan siyang ayusin tungkol sa nakaraan niya, at kahit sinabi niyang wala akong kailangang ipag-alala, gusto ko pa ring makita siya. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanya, kundi dahil gusto ko lang siyang makasama pagkatapos ng mahabang araw.Pero pagdating ko sa café, hindi si Kyrex ang unang nakita ko.Si Maureen.Nakatayo siya sa tabi ng table kung saan sila nakaupo, at ilang segundo akong hindi nakagalaw nang makita ko ang nangyayari sa harapan ko.Hinalikan niya si Kyrex. Nanlamig ang mga kamay ko parang biglang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Naroon pa rin ang mga taong nag-uusap, ang tunog ng mga baso at kubyertos, pati ang mahinang tugtog mula sa speakers, pero wala akong marinig nang maayos. Iisa lang ang nakikita ko.Sila.At kahit ilang segundo lang iyon, sapat na para bumalik ang isang takot na akala ko ay tuluyan ko nang nailagay sa nakaraan.Hindi ko n
Ler mais