AMBERAbala ako sa restaurant nang araw na iyon. Kaunti pa lang ang tao kaya matapos kong ayusin ang ilang mesa sa labas, sandali akong naupo malapit sa counter habang umiinom ng tubig. Habang nagpapahinga ako, lumapit si Nico na may hawak na basahan. At nakangising parang may binabalak na namang kalokohan."Amber, mukhang wala na talaga akong pag-asa sa iyo," sabi niya habang nakatingin sa akin. "Dati iniisip ko pang baka puwede kitang ligawan, pero ngayon nalaman kong bigatin pala ang lalaking nagmamahal sa iyo. Kaya umatras na ako bago pa ako mapahamak at mapagalitan ng boyfriend mong bilyonaryo."Napatawa ako at napailing. "Ano ba, Nico, kailan mo ba ako niligawan? Ikaw lang ang nag-iimbento niyan. At saka hindi naman kailangang umatras na parang may gyerang nangyayari, nagbibiro ka lang naman.""Eh, malay mo naman seryosohin kita," sagot niya habang natatawa rin. "Pero nakita ko na kung paano siya tumingin sa iyo, kaya alam kong wala talaga akong laban. Baka bukas, mawala na rin
Last Updated : 2026-09-19 Read more