AMBER SUMUNOD NA ARAW, vago pumasok sa restaurant, doon ko ginawa ang resignation letter. Ilang beses kong inayos ang mga salita hanggang sa maging maayos ang pagkakasulat nito, saka ko ipinasa sa isang printing shop para ma-print. Pagkatapos, inilagay ko iyon sa isang brown envelope at isinama sa bag ko bago ako pumasok sa trabaho.Habang abala ako sa pag-aayos ng mga mesa, pumasok si sir Jefferson sa restaurant. Nang makita niya ako, ngumiti siya at lumapit sa mesa kung saan siya madalas umupo.“Amber, parang pagod ka ngayon. Ilang beses kitang nakita kanina na humihikab habang nagtatrabaho. Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin dahil baka may maitutulong ako.”Napangiti ako at umiling.“Okay lang po ako, Sir Jefferson. Hindi lang po ako nakatulog nang maayos kagabi. May ilang bagay lang po akong iniisip pero lilipas din naman iyon.”Um-order siya ng pagkain at nagkuwentuhan kami habang hinihintay ang order niya. Hindi ko rin napigilang mabanggit sa kaniya ang plano kong um
Last Updated : 2026-09-23 Read more