AMBERKinabukasan, nagising ako sa sarili kong kuwarto sa apartment na ibinigay sa akin ni Clover. Ininat-inat ko ang katawan ko bago dahan-dahang minulat ang mga mata ko, pero nang makita kong maliwanag na sa labas ay bigla akong napabalikwas ng bangon.“Patay, anong oras na?”Mabilis akong bumaba sa kama at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Pagdating ko sa sala ay agad akong napahinto nang makita ko si Haven na abala sa pag-aayos ng almusal sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko at saka ko biglang naalala ang nangyari sa amin kagabi. Kaya hindi ko napigilang mapahawak sa noo ko.“Good morning, Amber. Huwag kang mag-alala, puwede kang hindi pumasok ngayon. Sinabihan ko na si Clover kagabi na magpapahinga ka muna at ako na ang nagsabi sa kanya na huwag ka munang papasukin," nakangising wika ni Haven.Napatingin ako sa kanya habang pilit kong inaayos ang gusot kong buhok. "Ikaw talaga, Haven, hindi ka man lang nagsabi sa akin na kakausapin mo si Clover. Paano kung gusto kong pumasok ngayon
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-15 อ่านเพิ่มเติม