AMBER Makalipas ang tatlong araw, abala ako sa training room nang lumapit sa akin si Ma’am Karen at may dala siyang folder. Pagdating niya sa tabi ng mesa ko, inilapag niya iyon at sinabi sa akin na may bago akong gagawin para sa araw na iyon. “Amber, ikaw ang bahala sa coordination ng meeting ngayong hapon kasama ang Del Monte Group. May meeting si sir Haven kay sir Jefferson, pero may ibang kailangan asikasuhin si sir Jefferson kaya ikaw muna ang haharap kasama ni Miss Winnie,” wika ni ma'am Karen Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ni Haven. “Si Haven? Ngayon na po agad?” “Oo. Huwag kang mag-alala dahil hindi mo naman kailangang ikaw ang magpatakbo ng buong meeting. Nandoon si Miss Winnie bilang secretary ni sir Jefferson, kaya ang gagawin mo ay makinig, maglista ng mga napag-usapan at siguraduhing kumpleto ang documents na kailangan nila.” Tumango ako kahit hindi ko gusto ang narinig ko. “Si-Sige, Ma’am. Ako na po ang ba-bahala..” sabi ko bago pilit na ngu
Last Updated : 2026-09-25 Read more