ログインMARGA Pagkaalis ni Kevin, ilang segundo akong nanatiling nakatayo sa tabi ng sasakyan ko habang nakatitig sa direksiyong nilakaran niya. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. At pakiramdam ko ay hindi ko maayos na maigalaw ang mga daliri ko dahil sa sobrang kaba. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko, saka lang ako napahawak sa dibdib ko bago dahan-dahang pumasok sa loob ng sasakyan. Ilang segundo akong nakaupo lang sa driver's seat habang hawak ang manibela. Hindi ko agad naipasok ang susi dahil paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang sinabi niya. Alam kong kayang sirain ni Kevin ang lahat ng pinaghirapan kong itago. Dahil alam niya ang tunay na kalagayan ng pamilya namin. Hindi puwedeng malaman ng pamilya Del Monte ang tungkol dito. “Hindi…hindi puwede…hindi nila pwedeng malamang… hindi na ako katulad nilang mayaman,” garalgal kong sabi sa sarili. Sa pagkakaalam nila, mayaman ang pamilya ko. Iyon ang ipinakita ko sa kanila mula pa noong una, at iyon ang dahilan kung bakit ma
MARGA“Kevin?”Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko habang nakangisi, na para bang wala siyang pakialam kung gaano ako nagulat sa bigla niyang paglitaw. Ilang segundo akong hindi nakagalaw, habang mabilis na tumatakbo ang isip ko kung bakit siya narito at kung ano ang gusto niya sa akin.“Bakit ka nandito?” tanong ko habang pilit na pinapakalma ang boses ko. “Umalis ka na. Wala akong oras para sa mga kalokohan mo.”Sa halip na sumagot, lalo lamang lumawak ang ngiti niya. Lumapit siya sa akin at bago pa ako makaiwas, hinawakan niya ang baba ko. At bahagyang itinaas ang mukha ko para mapatingin ako sa kanya.“Kumusta naman ang babaeng mahal ko?” tanong niya na parang nang-aasar.Agad kong inalis ang kamay niya sa baba ko at matalim ko siyang tiningnan. “Wala akong pakialam sa iyo, Kevin. Umalis ka na rito at huwag mo na akong guluhin. Kasal na ako kaya tantanan mo na ako,” gigil kong sabi pero nanatiling mahinahon ang boses ko.“Ganoon ba?” natatawang tanong niya. “Ang sungit mo pa r
MARGATanghali nang pumunta ako sa condo ni Olivia dahil gusto ko sanang may makausap. Ilang linggo na rin mula nang ikasal kami ni Haven, pero hanggang ngayon ay wala pa ring malaking pagbabago sa buhay naming mag-asawa. Nakatira ako sa bahay ng pamilya niya, kasama ang mga taong alam kong mas gusto akong makita bilang asawa ni Haven…pero ang asawa ko mismo, hindi ako gusto.Pagdating ko sa condo, agad akong pinapasok ni Olivia at naupo kami sa sala. Nagdala siya ng kape para sa amin at ilang minuto rin kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga ordinaryong bagay bago niya tuluyang napunta ang usapan sa kasal ko.“So, Marga, kumusta na kayo ni Haven? Kumusta naman ang buhay mag-asawa ninyo?” tanong ni Olivia habang nakatingin sa akin.“Wala pa ring nagbabago,” sagot ko habang inilalapag ang tasa ko sa mesa. “Nakatira lang ako sa bahay nila at ginagawa ko naman ang lahat para maging maayos ang pakikitungo ko sa pamilya niya. Pero si Haven parang hindi talaga interesado sa akin. Magkasama kam
AMBER “Putanginá naman, Haven! Tantanan mo na ako! Pakawalan mo ako!” Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin pero hindi ko magawa. Sinimulan na niyang lamas1n ang sus0 ko. At ang nakakainis, nanindig agad ang balahibo ko sa init ng palad niya. Yawá! Bakit ang rupokpok ko? Hindi puwede ito! “Ano?! Hindi ka titigil sa kalalamás ng sus0 ko? Tangina ka talaga! May asawa ka na't lahat-lahat, lumalandi ka pa!” Hinampas ko ang kamay niya pero hindi ko alam kung hampas ba talaga ang ginawa ko. Masyadong mahina iyon dahil parang nawalan ako ng lakas. Napatingin ako sa p***o at umaasang sana'y walang pumasok dito. “I miss you so much, Amber…wala akong pakialam kay Marga. Mag-asawa kami sa papel pero para sa akin, ikaw ang mahal ko..” bulong niya sa tainga ko bago hinalikan ang batok ko. Akala ko titigilan na niya ako pero hindi. Sinipsïp niya ang batok ko at mukhang nilagyan pa ako ng chikinini! “Haven! Tama na, please!” Tila wala talaga siyang balak makinig sa sinasabi ko.
AMBER Makalipas ang tatlong araw, abala ako sa training room nang lumapit sa akin si Ma’am Karen at may dala siyang folder. Pagdating niya sa tabi ng mesa ko, inilapag niya iyon at sinabi sa akin na may bago akong gagawin para sa araw na iyon. “Amber, ikaw ang bahala sa coordination ng meeting ngayong hapon kasama ang Del Monte Group. May meeting si sir Haven kay sir Jefferson, pero may ibang kailangan asikasuhin si sir Jefferson kaya ikaw muna ang haharap kasama ni Miss Winnie,” wika ni ma'am Karen Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ni Haven. “Si Haven? Ngayon na po agad?” “Oo. Huwag kang mag-alala dahil hindi mo naman kailangang ikaw ang magpatakbo ng buong meeting. Nandoon si Miss Winnie bilang secretary ni sir Jefferson, kaya ang gagawin mo ay makinig, maglista ng mga napag-usapan at siguraduhing kumpleto ang documents na kailangan nila.” Tumango ako kahit hindi ko gusto ang narinig ko. “Si-Sige, Ma’am. Ako na po ang ba-bahala..” sabi ko bago pilit na ngu
AMBER “Amber?” Tila bumalik ako sa ulirat at saka pekeng ngumiti. Parang pinagpawisan ako ng malamig. “Ah…wala po, sir. Nagulat lang ako kasi.. ano po eh.. di ba bigtime silang pamilya.” Mahina siyang natawa at saka hinawakan ako sa balikat. “Huwag kang kabahan. Alam kong kayang-kaya mo silang i-assist.” Pagkaalis ni sir Jefferson sa training room, ilang segundo muna akong nakatingin sa pintuan na para bang umaasa akong babalik siya at sasabihing nagbago ang isip niya. Nang tuluyan kong marinig ang pagsara ng p***o, napahawak ako sa noo ko at napapikit nang mariin dahil hindi ko talaga akalaing ganito ang magiging dagdag na responsibility ko sa trabaho. “Hay, Amber… sa lahat ba naman ng business partner ng kumpanya, Del Monte Group pa talaga?” bulong ko sa sarili habang napapangiwi. “Hindi ba puwedeng ibang kumpanya na lang? Kailangan ba talagang si Haven ang lagi kong kakausapin?” Hindi ko naman gustong isipin siya. Pero simula nang makita ko siyang muli sa lobby kasama si Mar







