Maagang gumising ang araw, pero parang hindi pa rin ako nakabawi sa nangyari noong nakaraang gabi. Ang bawat himas ng hangin sa balat ko ay tila nagpapaalala sa init ng katawan ni Hades, sa tigas ng kanyang hawak, at sa mga halik na parang nakaukit na sa aking balat. Pagkauwi ko sa aking munting tahanan, halos hindi ako makalakad nang tuwid, at ang bawat galaw ay may kasamang bahagyang hapdi na haluan naman ng kakaibang alaala ng sarap.Pero ngayong araw, kailangan kong ibalik ang dating ako—si Yvanna, ang tahimik, mahinhin, at walang kinalaman sa anumang gulo na sekretarya. Suot ko na naman ang aking simpleng blusa at palda, ang makapal na salamin sa mata, at itinali ko nang maayos ang aking buhok para magmukhang walang nangyari. Pumasok ako sa opisina nang maaga gaya ng nakasanayan, inayos ang mga papeles, at sinigurong maayos ang lahat bago pa man dumating ang aking boss.Ilang oras pa ang lumipas nang marinig ko ang pamilyar na mabibigat na yabag sa labas ng aking kwarto. Bumuka
Last Updated : 2026-06-16 Read more