Hindi ko inakala na ganito ang pakiramdam. Standing in front of a glass facade with my name etched subtly on the door, parang hindi ako humihinga, parang pinipigilan ko ang sarili kong maniwala. May puting ribbon sa harap. May gunting sa kamay ko. May mga camera na nakatutok. May mga taong nakapila, mahahaba, umaabot hanggang kanto.“Diane,” bulong ni Seohyun sa tabi ko, naka-smile pero ramdam ko ang excitement niya, “this is it.”Tumango ako. Hindi ko mahanap ang boses ko.Isang event host ang lumapit, may mic, may cue cards. “Everyone,” sabi niya in Korean, “thank you for coming to the grand opening of Diane Atelier.”May palakpakan. May sigawan. May flash ng camera na halos makasilaw. Huminga ako nang malalim.“Are you ready?” tanong ng host, nakatingin sa akin.Hindi ako ready. Pero matagal ko nang hinihintay ’to.“Yes,” sabi ko. Mahina
Read more