Akala ko, kapag nakalabas na ako ng campus, doon na talaga matatapos ang lahat. Akala ko, iiwan ko na sa likod ang mga bulong, ang mga matang puno ng panghuhusga, ang mga salitang parang kutsilyong paulit-ulit isinasaksak ang pagkatao ko. Akala ko, sapat na ang distansya, ilang hakbang palayo sa gate, para makahinga ulit.Pero mali pala ako. Maling-mali.Naglalakad ako pauwi, mahigpit ang hawak sa strap ng bag ko, parang iyon na lang ang natitirang matibay sa mundo ko. Ang bawat hakbang ko ay mabigat, hindi lang dahil pagod ang katawan ko, kundi dahil ang isip ko ay puno ng ingay kahit tahimik ang paligid. Hindi pa rin humihinto ang mga boses sa ulo ko.Desperada. Plastik. Hindi mapagkakatiwalaan.Paulit-ulit. Paulit-ulit. Parang sirang plaka na ayaw tumigil.Huminga ako nang malalim. Okay lang, bulong ko sa sarili ko. Konti na lang.At doon, may tumama sa balikat ko. Isang malakas na splak. Mainit. Malansa. Mabaho.Napahinto ako, nagulat, bago ko pa tuluyang naintindihan. Tumulo ang
Read more