THORN ROCAN POV Wala pa akong tulog at nag sulputan na ang mga media sa labas ng palasyo. Siguradong nakarating na ang mga delegadong dadalo sa Treaty of Peace. At lahat sila, dito na mamatay, wala ni isa ang makaka balik sa kani kanilang mga bansa ng buhay.Hanggang sa nadinig ko na nga ang sunod sunod na naglalakasang katok sa kwarto ko. Walang tigil. Ubod ng pagmamadali."Thorn!!!?". Pagka bukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang personal secretary ng amang hari, si Maynard. Si Prime Minister Stalistan at iba pang myembro ng Councils. Ang mga kawal na dating nasa tabi lang ng ama ko ay sa tabi ko na laging susunod sunod. Ganun kabilis ang pangyayari. Wala nang silbi pa para bantayan ang bangkay ng isang namayapang haring pinaglingkuran nila. "Mag handa ka, patay na ang hari. Patay na ang ama mo". Professional, walang halong pakikiramay, walang personal na pagdadalamhati, ganun binigkas ni Prime Minister Stalistan ang isang napaka halagang balitang wala ng buhay ang ama ko.
Read more