"Ma'am, umakyat po kaya muna kayo sa silid ninyo at magpahinga. Kanina pa po kayo palakad-lakad at hindi mapakali," puna ni Manang Dolores.Hindi niya alam kung ilang oras ng balisa ang amo niyang babae. Siya nga na nanonood lang dito ay nahihilo na sa kakagalaw nito.Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Chantal bago siya umupo sa pinakamalapit na sofa sa bulwagan ng mansion."Marco is not answering his phone tapos hating gabi na," puno ng pag-aalala niyang bigkas.Malakas ang kabog ng kanyang dibdib kasabay ng malakas na hampas ng hangin sa labas at malakas na buhos ng ulan. Ayos lang naman sana na matagal na umuwi si Marco pero dahil may bagyo, hindi niya mapigilan ang sarili niya na mag-alala."Baka naman po sumilong lang si Boss dahil malakas ang ulan. Magpahinga po kaya muna kayo lalo na't kagagaling niyo lang din sa sakit," malumanay na suhestyon ni Manang Dolores.Marahan namang umiling si Chantal. Kahit naman aakyat siya sa itaas, ganun parin naman ang mararamda
Terakhir Diperbarui : 2026-09-14 Baca selengkapnya