Makalipas ang halos isang oras, isa-isa ng nagsibalikan ang mga trabahador sa kani-kanilang trabaho. Naiwan naman siyang nagliligpit ng mga gamit habang may kausap si Marco sa cellphone nito."Boss, anong oras po kayo makakabalik? May meeting po kayo mamayang alas onse ng umaga," ani Luna sa kabilang linya.Napasulyap si Marco sa kanyang wrist watch bago kay Chantal na kasalukuyan na nagliligpit sa ibaba ng rest house. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago siya muling nagsalita. "Just reschedule the meeting tomorrow," sagot niya."Sigurado po kayo, Boss?" Muli pang tanong ng babae."Since when did I become indecisive, Luna?" Tila nayayamot namang asik ni Marco.Isang hilaw na tawa ang kumawala sa labi ni Luna. "Oo nga po, Boss, irereschedule ko na," sagot niya.Hindi na nagsalita pa ang kanyang boss at pinatayan na siya ng tawag. Napasimangot naman siya habang pinagmamasdan ang telepono. Nitong nakaraang mga araw lang, tila bumalik na sa dati ang kanyang boss
Dernière mise à jour : 2026-09-11 Read More