Tumingin si Chantal sa lalaki, nakikita ang matatag at walang pag-aalinlangang tiwala sa mga mata nito."Hindi magiging posible ang lahat ng 'to kung wala ka, Marco. Kung hindi mo ako tinulungan at pinrotektahan...""No," mabilis na pagputol ni Marco habang hinahawakan ang dalawang kamay ng dalaga. "I only provided the shield so you could heal. But the talent, the bravery, and the crown? It's all yours. Ikaw ang lumaban para sa sarili mo."Napatitig si Chantal sa kanya, bakas ang matamis na emosyon sa kanyang mga mata."Ano na lang kaya ang gagawin ko kung wala ka?""I'm glad that you depended on me. Pakiramdam ko may silbi ako," ani Marco at kinindatan pa siya.Mahina siyang napailing at natawa pa."Baliw!"Habang puspusan ang paghahanda ni Chantal sa movie premiere, abala rin si Marco para sa seguridad ng babae. Alam niyang kahit na may mga taong tanggap ang pagbabalik ni Chantal, may iilan pa ring galit sa babae. At ayaw niyang masira ang gabing matagal nang pinaghandaan ng kanyang
Dernière mise à jour : 2026-09-26 Read More