Halos sabay na kaming pumasok sa loob ng elevator. Napaayos pa ako ng buhok ko habang pinagmamasdan ang repleksyon namin sa salamin. Pero agad din ako naalarma nang mapansin kong nakatingin din pala siya roon."Buti naman at naa-appreciate mo pala ang ganda ko," sabi ko na lang. “Pero huwag kang mag-alala, hindi kita kakausapin tungkol d'yan. Baka lumaki pa ulo mo kapag inisip mong flattered ako.""Good. Because you shouldn't be," kaswal niyang sagot, nanatiling nakatingin pa rin sa repleksyon naming dalawa. "I state facts, Morana. You look good today, but you're still a headache.""Well then— wait, what? Headache?!” gulantang ko nang mapagtanto ko ang huli niyang sinabi. "Hoy, Hen! Para sabihin ko sa'yo, sunod-sunuran na ako sa'yo ha! Kapag ako talaga nainis sa'yo, hahalikan kita bigla sa harap ng Board of Directors niyo! Para mapanindigan ‘yang sakit sa ulo na sinasabi mo!”Kita ko ang pagkakatigil niya pero agad din siya nakabawi dahil kita ko ang pagkakangisi niya sa repleksyon na
Leer más