"Get off me!" marahas na asik ni Hendrix, parehong nakataas ang mga kamay niya, pulang-pula na ang kaniyang buong mukha at leeg— marahil dahil sa inis.Agad kong binawi ang kamay ko na parang napaso at mabilis akong gumapang patungo sa passenger seat. Halos maiyak ako habang pilit na inaayos pababa ang pinaikli kong palda. Buong buhay ko, ngayon lang ako napunta sa ganito kahiya-hiyang sitwasyon!"I-I'm sorry! ’Y-Yung mga aso kasi!" depensa ko agad, mas lalo bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa pinaghalong takot sa aso at labis na pagkahiya sa kaniya.Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tahimik niyang inapakan ang gasolinador saka pinaharurot na naman ang kotse palayo sa tatlong asong patuloy na kumakahol sa labas.Buong biyahe ay nabalot ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan. Ni hindi ko magawang lumingon sa gawi niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, yakap-yakap ang sarili ko habang sinusubukang pigilan ang muling pag-iyak. Gusto ko nang magpalamon sa l
اقرأ المزيد