"I’m sorry, Miss Hiraya, but we have a court order."Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa lalaking naka-barong na nasa harap ng aming mansyon. It’s a sunny Tuesday, for goodness’ sake! Dapat ay nagpapa-pedicure ako ngayon habang umiinom ng iced latte, hindi nakikipag-talo sa pangit na nilalang na ito sa harap ko na gusto pasukin ang pamamahay ko!"Court order? Are you kidding me? This is the Morana Mansion! My parents worked hard for this!" pinagkrus ko ang mga braso ko saka ko siya tinaasan ng kilay. Ang kapal din naman ng mukha ng isang ‘to! “And who is this Hendrix Ace Villafuerte anyway? Siya ba ang nag-utos sa'yo? Pakisabi, ang bantot ng pangalan niya! Ang cheap! Kasing cheap ng mukha mo!”Kitang kita ko ang pagkakainsulto ng lalaki sa mukha niya, pero wala na akong pakialam! "He is the primary creditor of your parents, Ma'am," seryosong sagot ng lalaki. "Lahat ng ari-arian ninyo, ang bahay na ito, ang mga sasakyan, pati ang shares sa kumpanya, ay ginamit na kolatera
Read More