Dire-diretso kaming pumasok sa loob ng engrandeng Grand Ballroom. Ang lugar ay punong-puno ng mga kilalang negosyante, diplomat, sikat na artista, at matataas na opisyal ng lipunan. Sa sandaling pumasok kaming dalawa, tila nawala ang ingay ng musika dahil napalingon ang lahat sa aming gawi."What an entrance, tsk," pabulong kong biro kay Hendrix habang nakangiti pa rin sa mga nakatitig sa amin."Don't get cocky," matipid niyang sagot bago kumuha ng dalawang baso ng champagne mula sa waiter at inabot sa akin ang isa.Akmang iinom na ako nang biglang may pamilyar na boses na nagsalita mula sa likuran namin."Look who made it to the gala after all the scandal."Halos sabay kaming napalingon doon ni Hendrix. It was Julian Montefalco. Siya ang bumungad sa amin, suot ang isang navy blue suit habang may nakakairitang ngisi sa kaniyang mukha."Julian," malamig kong bati sabay itinataas ang baba ko."Hiraya, my dear," ganti niya bago ibinaling ang tingin sa hawak kong kamay ni Hendrix at sa 15
Leer más