Mateo Sevilla Hanagata Dahan-dahan akong naupo sa harap ng puntod ng aking ama. Inayos ko muna ang mga tuyong dahon na nalaglag sa ibabaw nito bago tuluyang sumandal ang likod ko sa malamig na marmol na nasa likuran ko. Ilang sandali akong nanatiling tahimik. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Ang dami kong gustong sabihin, pero pakiramdam ko ay hindi sapat ang mga salitang alam ko para maipaliwanag kung gaano kabigat ang lahat. I let out a deep sigh. "Alam mo, Dad..." panimula ko habang nakatingin sa pangalan niya na nakaukit sa lapida. "Ang hirap pala." Napangiti ako nang mapait. "Ang hirap-hirap pala talaga kapag wala kang tatay na masasandalan..." Sandaling napayuko ako at pinagmasdan ang dalawang kamay kong nakapatong sa aking mga tuhod. "Akala ko dati, kapag tumanda na ako, magiging madali na ang lahat para sa akin. Akala ko kapag kaya ko nang magtrabaho, kumita ng sarili kong pera, at magdesisyon para sa sarili ko, hindi na ako mahihirapan. Pero nagkamali pa
Last Updated : 2026-11-03 Read more