Ano ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?Kung iyan ang itatanong mo, matagal ko nang alam ang sagot. Magmamakaawa ako.Iyan ang natutunan ko sa buhay. Sampung taong gulang ako nang tumira ako kay Lola, at nakita ko kung paano siya nagmakaawa sa pamamagitan ng mga liham para lang bisitahin siya ng lalaking minamahal niya. Kahit man lang isang sulyap, magiging masaya na siya.Subalit namatay si Lola nang walang natatanggap na kahit anong tugon. Pagkatapos ng ilang taong pagpapadala ng sulat, kahit kailan ay hindi ito nag-abalang sumagot. Ang tanging ginawa ni Lola ay ang magmakaawa na bisitahin siya nito, ngunit nabigo siya.Nang mawala si Lola, kailangan kong tumira sa pamilya ng aking ina, at doon ko natutunang magmakaawa para sa kanilang pagmamahal. Ayaw sa akin ni Tito Rue, at ramdam na ramdam ko ang pagkairita ng mga kapatid ko kapag nasa paligid ako.Kailangan pang kausapin ni Mommy si Daddy para lang mag-ukol man lang ito ng pansin sa akin, pero hindi rin iyon nangyari. Noong na
Terakhir Diperbarui : 2026-11-01 Baca selengkapnya