The Aftermath of the HarvestLumabas sina Orion, Spring, Grimm, Keziah, at Haven mula sa nangingitim na usok ng planta. Ang unang hininga ng hangin sa labas ay humalo sa amoy ng dagat at nangsusulasok na pulbura. Maingat na inaalalayan ni Orion si Spring, na tila isang marupok na hiyas na muling nabawi mula sa putik. Ang bawat hakbang ni Spring ay mabigat, ang kaniyang katawan ay nangangatog pa rin mula sa trauma at sa lamig ng madaling-araw, pero ang higpit ng hawak ni Orion ay nagsilbing kaniyang tanging anchor sa realidad.Sinalubong sila nina Neptune, Rigel, at Archer sa bukana ng kinakalawang na gate. Hindi sila ang mga nagniningning na idolo na nakita sa Arena ilang gabi lang ang nakalilipas; ang kanilang mga tactical vests ay puno ng alikabok, at may mga sariwang galos ang kanilang mga mukha—bakas ng pakikipagbakbakan sa mga perimeter guards ni Rico. Si Neptune, na kadalasan ay puno ng biro, ay nanatiling tahimik habang hinihingal, hawak pa rin ang kaniyang tactical baton. Isan
Última actualización : 2026-10-08 Leer más