The Return of SpringSpring’s POVSa loob ng isang sikat na underground dance studio, hindi ang malamyos na tunog ng gitara ang maririnig. Sa halip, ang bawat sulok ay nanginginig sa bigat ng bass at sa ritmo ng musikang yayanig sa iyong dibdib. Dito, ang hangin ay amoy pawis at determinasyon. Dito, wala na ang mahiyain at takot na si Spring Salvejo. Dito, ang tanging kilala nila ay si Vera."Isa pa! Five, six, seven, eight!" sigaw ko sa gitna ng kanta.Sa harap ng malaking salamin, pinagmasdan ko ang aking sariling repleksyon. Ang aking pangangatawan ay mas lalong naging toned at maliksi. Ang bawat galaw ko ay tila isang talim na humahati sa hangin—mabilis, matapang, at puno ng awtoridad. Ang pagsasayaw ang naging paraan ko para makahinga. Sa bawat padyak ng aking sapatos sa sahig, tila tinatapak-tapakan ko ang lahat ng sakit ng nakaraan—ang mga pasa mula kay Mang Carlo, ang madidilim na gabi sa club ni Mr. Chua, at ang matinding pangungulila sa lalaking iniwan ko."Break muna, gu
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-17 อ่านเพิ่มเติม