The Symphony of New BeginningsAng bawat gusali ay may sariling tibok ng puso, at para sa Syzygy Axis Management sa BGC, ang tibok na iyon ay musika.Ito ang bagong kompanyang pinapatakbo ng Celestial Band, ang bawat hallway ay puno ng "creative chaos." Mula sa elevator, maririnig mo ang malayong dagundong ng drums mula sa ikatlong palapag, ang mabilis na staccato ng mga keyboard sa editing suites, at ang halinhinang tawanan ng mga bagong trainees na dala ang kanilang mga pangarap. Sa dulo ng main corridor, nakatayo si Sirius. Suot ang kanyang paboritong itim na hoodie at may hawak na tasa ng kape, pinagmamasdan niya ang malaking digital board sa lobby. Nakapaskil doon ang mga pangalan ng kanilang mga bagong artists. Sa pinakatuktok, nagniningning ang pangalang: AMETHYST."Masyado atang malalim ang iniisip mo, CEO," bati ni Orion habang naglalakad palapit, bitbit ang Cyan Celestia electric guitar case."Hindi ko lang inakala na darating tayo sa ganitong yugto, Orion," sagot ni Sirius
Last Updated : 2026-10-08 Read more