Lalyn's POV Tiningnan ko siya ng maigi na diretso sa mata. " Hindi na tayo bata, Theo. Ang tanda mo na kaya hindi na uubra sa akin ang nga ganyang galawan. Huwag mong paasahin si Lyra na maging maayos pa ang samahan natin." Mahabang wika ko. Bigla naman siyang nalungkot. " Kaya kong tanggapin na hindi mo ako mapatawad, Lalyn. Pero sana naman hayaan mo akong iparamdam sa inyo ni Lyra na mahal ko kayo at mahalaga kayo sa akin." Natawa ako nang mapakla. " Mahal? Alam mo ba ang salitang mahal,Theo?" " Bakit ang hirap sa'yo na paniwalaan ako,Lalyn. May pinainom sa akin na drugs. Wala ako sa sarili ko pero I swear, walang nangyari sa amin ni Camille," ang tinutukoy niya ang secretary niya dati at anak ng business partner niya. Nang maramdaman ko ang sinseridad niya na nagsasabi ng totoo. Agad akong tumahimik at pinagpatuloy ang aking ginagawang paglilinis. " Tulungan na kita..." Aniya sa malambing na boses. " No, but thanks. Samahan mo nalang si Lyra sa sala. Magbond
Terakhir Diperbarui : 2026-08-18 Baca selengkapnya