INICIAR SESIÓNLalyn's POV Hindi ko alintana ang pagod sa biyahe. Kahit masakit ang likod ko at mabigat ang aking tiyan dahil sa pagbubuntis, pinilit kong maging maayos ang aking kalagayan. Ang tanging nasa isip ko ay makita si Theo. Pagdating namin sa ospital ay agad akong sinalubong ni Tyrone. Halatang puyat ito. Magulo ang buhok niya at bakas sa kaniyang mukha ang matinding pag-aalala. "Lalyn." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.Isinantabi ko muna ang lihim na galit ko sa kanya dahil sa pagdukot at pananakit niya sa akin. "Nasaan si Theo? Gusto ko siyang makita." Hinawakan niya ang aking mga balikat. "Nasa intensive care unit siya. Kasalukuyang inihahanda ng mga doktor ang lahat para sa operasyon." "Can I see him?" Tumango siya. "Of course. Halika." Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ng ospital, hindi ko maiwasang mapansin ang katahimikan sa paligid. May mga nars na nagmamadaling dumaan. May mga doktor na seryosong nag-uusap. Ngunit para sa akin, til
Lalyn's POV Muli kong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Theo, please. Gumising ka na." Pumatak ang luha ko sa kamay niya. "Alam mo bang umiiyak na ang anak natin?Hinahanap ka niya. Gusto ka niyang makita." Nanginginig ang mga labi ko. "Kanina lang masaya kami ni Emily. Marami kaming binili para kay Lyra. Gusto pa nga niyang mag-shopping ulit bukas." Napangiti ako nang bahagya sa gitna ng pag-iyak. "Pero hindi na mahalaga ang mga iyon. Gusto lang naming makasama ka." Idinikit ko ang noo ko sa kamay niya. "Please, Theo. Huwag mo kaming iwan." Sa likod ng pínto ay narinig ko ang mahinang pag-iyak ni Lyra. "Mommy..." Lumingon ako at nakita siyang kasama ni Mama Nora. Lumapit ang anak ko sa kama ng kaniyang ama. "Daddy?" Hinawakan niya ang kabilang kamay nito. "It's me, Daddy. Lyra." Tahimik siyang naghintay. "Daddy, wake up. I miss you." Tuluyan na namang tumulo ang mga luha ko. Yumuko si Lyra at hinalikan ang kamay ng kaniyang ama. "I love you, D
Lalyn's POV "Uncle Tyrone, where is my Daddy?" tanong ni Lyra.Napayuko ako nang marinig ang nanginginig na boses ng anak ko.Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa damit ko."Mommy, why is Daddy in the hospital?"Hindi ko siya masagot.Sa halip, napaluhod ako sa harap niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya."Baby...""Is Daddy sick?"Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ko."Don't worry, baby. We're going to see Daddy, okay?""But I want Daddy now!"Tuluyan nang napaiyak ang anak ko.At hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.Pumatak ang mga luha ko habang mahigpit siyang niyayakap."Please, Mommy. I want my Daddy.""Oh, my baby..."Hindi ko alam kung paano ko siya papatahanin gayong ako mismo ay hindi na rin mapigilan ang pag-iyak.Nang marinig namin ang ingay mula sa sala, mabilis na lumabas sina Mama Nora at Mama Cristy mula sa kabilang bahagi ng bahay."Lalyn? Anak, bakit ka umiiyak?" agad na tanong ni Mama Nora.Nang makita niya ang kalagayan namin ni Lyra, m
Lalyn's POV Sa hindi kalayuan ay nakita namin ang isang lalaking nakasuot ng puting polo at itim na pantalon. Kasama niya ang isang babae na elegante ang pananamit. Magkatabi silang naglalakad habang may pinag-uusapan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagtataka. Si Lexter nga iyon. "Let's go," sabi ni Emily. Magkasama kaming lumapit sa kanila. "Lexter?" Napalingon ang lalaki nang marinig ang pangalan niya. Saglit akong napangiti. "Hi, Lexter!" Ngunit sa halip na batiin kami, bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Tumingin siya sa akin at pagkatapos ay kay Emily. "Sorry? Do I know you?" Nawala ang ngiti sa aking labi. "What?" "I think you got the wrong person," malamig niyang sagot. Napatingin ako sa kaniya nang maigi. Hindi ako maaaring magkamali. Pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha niya. "Lexter, it's me. Lalyn." Bahagya siyang napangiti, ngunit hindi iyon ang ngiting inaasahan kong makita. "I'm sorry, miss. I don't know you."
Lalyn's POV Maagang-maaga pa lamang ay nakaramdam na ako ng kakaibang pagkahilo. Nasa loob ako ng silid at kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit ni Lyra nang biglang umikot ang aking paningin. Napahawak ako sa gilid ng aparador upang hindi tuluyang mawalan ng balanse. "Mommy?" Napalingon ako sa anak kong nakaupo sa kama. "Are you okay, Mommy?" Ngumiti ako nang pilit. "Yes, baby. Mommy's okay. Medyo nahilo lang." Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay muli akong nakaramdam ng panghihina. Para bang biglang nawala ang lakas sa aking mga tuhod. "Mommy!" Agad na lumapit sa akin si Lyra. Mabuti na lamang at naroon si Geena na nagkataong papasok sa silid. Mabilis niya akong inalalayan bago pa ako tuluyang bumagsak. "Ate! Ano'ng nangyayari sa'yo?" " Nahihilo lang ako," mahina kong sagot. "Lyra, tawagin mo si kuya Kevin! Kailangan na nating dalhin ang mommy mo sa ospital." Hindi na ako nakatanggi. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nasa sasakyan na kami patungo sa St. M
Lalyn's POV Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko na kailangang itanong kung bakit, dahil alam kong araw na ng pag-alis ni Theo papuntang Italy. Pagkatapos naming mag-almusal ay nagsimula na siyang mag-impake ng mga gamit. Kasama niyang aalis ang mommy niya at si Tyrone. Nasa sala kaming lahat nang matapos silang maghanda. "Mommy, Daddy, where are you going?" tanong ni Lyra habang nakayakap sa kaniyang stuffed toy. Lumuhod si Theo sa harap ng anak namin. "Daddy needs to go to Italy for a while, princess." "Why?" "Because Grandpa is sick, princess.Daddy needs to check on him." Napatingin sa akin si Lyra. "Will you come back?" Ngumiti si Theo at hinaplos ang buhok nito. "Of course, baby. Daddy will come back to you and Mommy." "Promise?" "Promise." Yumakap nang mahigpit si Lyra sa kaniyang ama. "I love you, Daddy." "I love you more, princess." Hindi ko napigilang mapangiti sa kanilang dalawa kahit may bigat na sa dibdib ko. Lumapit naman ang m







