Halos tanghali na ako nagising, napahawak ako sa ulo ko at ramdam ko ang sakit nito, subrang sakit na para bang binibiyak kaya napapahawak ako sa ulo ko.Bumangon ako at pilit na inalala lahat ng nangyari kagabi, napadami ata ang nainom ko at halos wala na akong maalala ngayun, sa subrang pagka miss ko sa mga magulang ko ay uminom ako at matapus yon wala na akong maalala sa mga nangyayari."Good morning" napunta ang attention ko sa nagsalita, at nakita ko si Xidrick bagong ligo, naka tapis lang, kitang kita ang pack na pack niyang abs, literal na walo. "Gusto mong hawakan?" Mapanukso niyang tanung, napapalunok ako ng sarili kong laway, subrang perpekto ng katawan niya, ang puti, ang kinis, subrang linis, at may 8 pach abs pa, panalo talaga."Pinag sasabi mo?, mag damit kanga ang pangit tignan" pagkukunwari ko kahit ang totoo gusto ko talaga pagmasdan ang pandesal sa harapan ko."A-anong nangyari kagabi?" Pagtatanung ko, sana lang wala akong ginawang kalokohan, dahil sa totoo lang mat
Zuletzt aktualisiert : 2026-07-28 Mehr lesen