LOGINTumakas si Xie Xiah Xein sa kamay ng pekeng asawa dahil sa pag aakalang ikakasal na ito sa iba, at lingid sa kanyang kaalaman na buntis pala siya sa anak nito. Pinasuk niya kasi ang pinaka nakakatakot na trabaho para may pangpagamot sa matandang nag-aruga sa kanya. Walong taon palang kasi siya ng mamayapa ang mga magulang niya, kaya naman ang isang batang ulila tulad nya ay nabuhay sa pag dampot ng mga basura para may makain ang sarili, lahat kasi ng iniwan ng mahirap niyang mga magulang ay kinuha ng tita at tito niya, ang bahay at sakahan. Sa maliit na bayan ng bataraza habang nag pupulot ng basura ay nakita siya ng isang matanda naawa ito sa kanya kaya isinama siya sa maynila, doon siya pinag-aral, ngunit hindi nag tagal ay nagkaroon ng malubhang sakit ang matandang kumopkop sa kanya, na naging dahilan ng pag tigil niya sa pag aaral at pag hanap ng trabaho. Ang hangarin niya lang ay gumaling ang matandang babae dahil ito nalang ang kaniyang nag iisang pamilya. Lingid sa kanyang kaalaman na isa pala siyang hiridira, nag iisang anak ng mag asawang bilyonaryo sa lungsod ng maynila na matagal ng nawawala dahil sa nangyaring kidnap noong anim na taon pa lamang siya.
View MoreNaka upo ako ngayun sa isang sofa, sa inoopahan naming apartment habang pinapanood ang paglalaro ng mahal kung anak, ang bilis ng panahon hindi ko akalain na ang dating nasa tiyan kolang ngayun masaya ng naglalaro sa harap ko, nakakapag salita na, at subrang gandang bata.
Limang taon na pala si Xie Rahn ang anak kung babae, malambing siya at matalino, napaka galing niyang mag drawing , at mapag mahal na anak, saludo ako sa anak ko dahil sa katangian niyang ito, marahil namana niya sa ama ang talento niya. "Mom, look po ng draw ko" Masaya niyang wika habang papalapit saakin, umupo siya sa tabi ko at iniabot ang di-drawing niya, pinag masdan ko ito at sandaling napa isip, bakit ganito ang drawing nya? Isang masayang pamilya at buo, nangungulila ba siya sa kanyang ama?. Mahirap mag dahilan sa tuwing hinahanap niya ang dad niya, hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin para pakalmahin siya, at ngayun ang drawing niya nagpapatunay na gusto niya ng buo at masayang pamilya, pero....., hindi koyon maibibigay sa kanya dahil ang ama niya ay kasal na sa iba. "Oh awesome, very good darling" nakangiti kung turan, kahit ano pa kaylangan kung puriin ang guhit niya lalo't maganda naman talaga ito, sa edad niya na lima ang kakayahan niya sa pag drawing ay kakaiba, masasabi na may talento talaga, kung pag mamasdan ang drawing niya may damdamin, sa Isang tingin lang alam mona ang gusto niyang iparating. Katulad ngayun kahit hindi niya sabihin alam ko ang gusto niyang iparating at iyon ay ang makita ang ama niya at mabuo kami, ito na marahil ang pinaka mahirap kung hamon araw araw lalo kung tinatanung niya ang ama niya, marami na akong dahilan na nasabi hindi kona nga alam kung naniniwala pa siya. "Mom can you please ask me why I draw these?" Kinabahan ako dahil sa sinabi niya, alam kona ang dahilan bakit kopa itatanung "Oh then tell me darling, why?" Pag sunod ko sa tanung niya, dahil matampuhin din itong anak ko, kaya mabuti ng sakyan ang gusto niya "Kasi po, umaasa ako na mabuo tayo nila daddy" napailing iling ako, diko alam ang sasabihin ko, walang araw na hindi niya nabaggit ang dad niya, naaawa na ako pero hindi korin pweding ipakilala sa kanya ang dad niya, hindi ko siya kayang ipakilala sa dad niya, dahil natatakot ako na baka kunin siya, paano na ako? Siya nalang at si lola ang kayamanan na meron ako. At dahil sa sinasabi niya bigla kona lang naalala si Xidrick Iearahn Hue, ang totoo niyang ama, ang CEO na nagbayad saakin para maging pekeng asawa, at ang lalaki na minsan kung minahal ng tahimik Noon kinaylangan kung mag trabaho sa nakakatakot na CEO kapalit ng bayad na magpapagamot kay lola, kaylangan naming mag panggap na mag asawa para mapasaya niya ang kanyang lola, natutuwa nga ako dahil ang sabi nila nakakatakot si Xidrick ngunit nagiging malambot at malambing siya sa harap ng lola nya. At sa pag tagal diko namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya, kahit pretend lang ang lahat, alam kung nasa kasunduan lang kami ng pekeng pag sasama, pero ang magkaroon ng damdamin sa kanya ay hindi ganun kahirap kahit pa sinabi niyang "Huwag kang magkakagusto saakin, dahil kaylan man hindi kita magugustuhan" "Kontrata lang ang meron tayo, walang pagmamahal" Nong una gusto ko ang kondisyon niyang iyon, dahil wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya at ang tanging gusto kolang mapagamutan si lola, ngunit ng tumagal, ang pekeng paglalambing na pinapakita niya, ang pekeng pagmamahal, at pekeng pag aalaga, nagpalambot sa puso ko, at hindi ko namalayan nahulog na pala ako. Gusto kung sabihin sakanya ang tungkol sa nararamdaman ko, baka sakaling nahulog narin siya saakin ngunit dumating saakin ang napaka sakit na balita, may kasunduan siyang kasal sa anak ng mayaman at kilalang pamilya sa lungsod, at mas nababagay sila ng babaeng iyon dahil pariho silang mayaman, habang ako? Ay hamak lang na binayaran para mag lingkod. Habang nag didilig nang mga bulaklak sa harden nila ay aksedente kong narinig ang pag-uusap nila ng kanyang assistant, at iyon mismo ang nagbigay ng dahilan saakin para tumakas sa mga kamay niya "Boss, kung itutuloy mo ang pagpapakasal, paano si madam?" "Anong kinakatakot mo?, malapit ng matapus ang kasunduan namin" "Pero hindi moba talaga siya minahal boss?" "Tulad ng sabi ko, isa lang pekeng kasal ang meron kami, at hindi ko siya magugustuhan" Tuluyan akong nanlumo dahil sa sinabi ni Xidrick, sa loob ng 11 months hindi niya pala talaga ako minahal, hindi siya nagkagusto saakin, Walang nabuong damdamin, at malinaw ang katutuhanan na isa lang akong piyesa na dapat niya nang palitan. "Mom?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang pagtawag ng anak ko, at ganon nalang ang nagtataka niyang awra marahil dahil sa patatahimik ko "May iniisip kapo ba mom?" Nag aalalang tanung ni Xie Rahn saakin, at napailing iling ako bilang pag tanggi "Now darling sabihin mo kay mom, ang tungkol sa drawing mo" pag iiba ko ng usapan, dahil nasisiguro kona kung hindi malihis ay kukulitin niya ako tungkol sa iniisip ko "Ah... Ito pong pretty ay Ikaw mom, ito naman po sa gitna ako po, and itong nasa huli ay si daddy po, si lola naman po itong nasa tabi mo" ngumiti ako dahil sa sinabi niya, katulad niya gusto korin ng buong pamilya, ngunit anong magagawa ko kung ang ama niya ay hindi namin ka level at lalong wala kaming magagawa dahil kasal na ito, at sigurado akong meron ng sariling pamilya. "Mom si dad po kilan kopa makikita?" Ito na naman siya, nagsimula na naman siyang mag tanung tungkol sa tatay niya, napalunok ako ng sarili kung laway dahil sa tanung niya, patuloy na nag iisip ng dahilan "Apo ko!" Napunta ang tingin namin sa nag salita, mabilis na tumakbo si Xie Rahn palapit sa lola niya "Namimiss moba ako apo?" Masayang tanung ng matanda habang buhat buhat ang anak ko, napaka saya nila at napapangiti ako dahil don Nakahinga din ako ng maluwag dahil panandalian na hindi maitatanung ng anak ko ang tungkol sa ama niya, kapag kasi kasama nya ang lola nya nakakalimutan niya akong tanungin na busy siya sa pag kwento at pakikipag laro sa matanda. "May pasalubong ako apo" "Yeah" nagpatalon talon si Xie Rahn habang inaabot ang pasalubong ng matanda, napaka saya nila. Nakokonsensya lang ako at naaawa sa anak ko, dahil hindi niya pweding makita ang ama niya, hindi niya ito pweding makilala, dahil wala naman kaming connection ng lalaking iyon, tanging kasunduan lang, isa lang trabaho ang nag ugnay saamin kung saan siya ang amo habang ako ang alipin, diko din alam kung tatanggapin siya ng ama niya, kaya mas mainam na itago ang lahat sa kanya, at gagawin ko ang lahat para hindi sila mag kita ni Xidrick Iearahn Hue ng kanyang ama."Oo gusto kita" hindi ko gaanong kilala kung sino ang kausap ko, dahil sa subrang kalasingan, napakamot ako sa ulo ng marinig yon, para akong bata kung titignan.Nag lasing ako ngayun iisa lang ang alam kung dahilan, dahil hindi maalis sa isipan ko yung mga sinabi ni Xidrick, tumatak na iyon sa isip ko, parang hindi ko matanggap, kasi minahal kona siya, may kasunduan kami hindi koyon nakakalimutan pero ang makasama siya ng matagal hindi ko mapigilan na magkagusto sa kanya.Noong una naman wala akong pake alam sa kanya, kasunduan lang ang lahat at tanggap ko iyon, pero hindi ako naging prepared sa pagbabago ng damdamin ko para sa kanya, diko lubos akalain na mahuhulog ako ng tuluyan sa kanya at ngayun hindi kona mapigilan ang sarili ko, kaya nong sabihin niyang hindi na siya magmamahal para akong sinampal ng katotohanan na dapat kung kalimutan ano man ang nararamdaman ko para sa kanya."Sinungaling ka, di moko mahal" sagot ko sa lalaking nasa harapan ko ngayun, kahit sa paraan ng pag s
Limang araw kami dito sa resort namin, balak ko kasi dalawang lingo kami dito, dahil sure ako sa pagbabalik sa maynila mawawalan na naman ako ng oras mag pahinga sa dami ng trabaho at pepermahan sa kompanya, iniisip ko palang parang ayaw kona matapus ang bakasyon na ito, lalo na't dito nakakasama ko si Xie Xiah at nagkakaroon ako ng time para mabantayan si lola. Simula nong dumating kami dito, mas unti-unti kung nakikilala ang asawa ko, at sa aaminin ko lalo lang akong nahuhulog sa kanya, hindi kasi yung tipo ng babae na maarti, at maraming, oo may pagka prangka siya at matalas ang dila pero lahat naman ng lumalabas sa bibig niya ay katotohanan lang kaya hindi siya masisisi kung bubuka ang bibig niya.Ngunit nitong ilang araw na lumipas parang umiiwas siya saakin, para bang lumalayo siya ay may gustong protektahan sa sarili niya, nagtataka nanga ako, kasi okay naman kami, tapus ngayun bigla nalang siyang lumalayo, at umiiwas saakin, ayaw ko ng ganito, mas gusto ko yung samahan namin
Halos tanghali na ako nagising, napahawak ako sa ulo ko at ramdam ko ang sakit nito, subrang sakit na para bang binibiyak kaya napapahawak ako sa ulo ko.Bumangon ako at pilit na inalala lahat ng nangyari kagabi, napadami ata ang nainom ko at halos wala na akong maalala ngayun, sa subrang pagka miss ko sa mga magulang ko ay uminom ako at matapus yon wala na akong maalala sa mga nangyayari."Good morning" napunta ang attention ko sa nagsalita, at nakita ko si Xidrick bagong ligo, naka tapis lang, kitang kita ang pack na pack niyang abs, literal na walo. "Gusto mong hawakan?" Mapanukso niyang tanung, napapalunok ako ng sarili kong laway, subrang perpekto ng katawan niya, ang puti, ang kinis, subrang linis, at may 8 pach abs pa, panalo talaga."Pinag sasabi mo?, mag damit kanga ang pangit tignan" pagkukunwari ko kahit ang totoo gusto ko talaga pagmasdan ang pandesal sa harapan ko."A-anong nangyari kagabi?" Pagtatanung ko, sana lang wala akong ginawang kalokohan, dahil sa totoo lang mat
"Ang sarap ng hangin!" Nakangiting sigaw ni Xie Xiah habang dinadama ang simoy ng hangin malapit sa dalampasigan, habang ako naka tayo malayo sa kanya at nakangiti siyang pinapanood."Ma, pa, i miss you so much napo!!" Sa isang iglap ay biglang nag iba ang mood niya, kung kanina napaka saya niya ngayun umiiyak na siya.8:30 narin ng gabi, at nag paalam si Xie Xiah na magpapahangin lang sa labas, si lola Zaxi at Xiza masaya na nag k-kwentohan kaya naman naisipan kung sundan si Xie Xiah.Habang naglalakad siya nakangiti pa siya at subrang saya, tapus ngayun bigla nalang siyang umiyak diko alam kung anong nangyayari pero nasasaktan ako at hindi ko gusto na makitang umiiyak siya. Lumapit ako para samahan siya, dahil ang sigaw niya hindi na normal parang ibang tao na siya, hindi na siya yung babaeng nag iingat para hindi kami mahuli, hindi na siya yung babaeng tahimik lang at nahihiya, ngayun parang ibang tao na siya, at nong tuluyan na akong nakalapit doon ko naintindihan ang lahat.Lasi











![The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews