"Um... sino sila?" tanong ng babae sa akin.Napakagat ako sa labi nang hindi niya ako nakilala. I get it. Hindi naman kasi kahabaan ang araw na ‘yun noong nakasama nila ako kaya dapat ay hindi na ako nagulat kung hindi na niya ako makilala. Pero bakit ako, natandaan ko agad siya? Kahit nga name niya, e, hindi ko nakalimutan."Wala po ba rito si Aaron? Hinahanap ko kasi siya kanina pa," sabi ko na lang at hindi na nagpakilala."Oh, si Aaron," aniya na parang nagulat. "Lumabas siya saglit. Puwede mo sa’kin sabihin ang pakay mo sa kaniya. I'm Danica, his girlfriend," nakangiti na niyang pakilala.Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig."G-Girlfriend?" halos hindi makapaniwalang usal ko.Ilang beses na ba akong mapapamura sa araw na ito, pero what the fvck? May girlfriend na pala siyang tao?Did he just... toy with me earlier?****Natapos ang araw na sobrang bigat ng dibdib ko. Basta ko na lang tinalikuran si Danica at hindi na tinugunan ang sinabi niya.Mabuti na la
Last Updated : 2026-10-05 Read more