Monday to Friday ang magiging training ko kay Ate Linlin. Ibig sabihin, may pahinga ako na dalawang araw. Pero kapag malapit na malapit na talaga ang event, baka raw buong week na ang training session namin. At may posibilidad din na mag-overtime kami sa mga araw na iyon.Ngayon na wala naman dapat pala akong iwasan sa pag-iisip kay Aaron, medyo nalugmok ako nang malaman ko ang magiging sched ko.Iniisip ko pa lang ay parang nararamdaman ko na ang pagod."Here's my down payment, ate. Sure na ba talaga sa 7:00 am? Wala ng tawad 'yon?" hirit ko pa nang iabot ko kay Ate Linlin ang paunang bayad ko."Sure na talaga 'yon. Two hours naman ang rest time mo. Puwede ring mas humaba pa 'yon, don't worry," ngiti niya sa akin.Tumango na lang at kumaway na sa kaniya. I texted Nancy at sinabi sa kaniya na nakapag-usap na kami ni Ate Linlin. Hindi siya nag-reply kaya dumiretso na ako sa malapit na restaurant.Habang nasa kalagitnaan ako ng kain ay tumawag si Casper. Medyo natigilan ako dahil halos
Last Updated : 2026-10-05 Read more