"Walang label?" akusa niya.Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba itong maramdaman sa sitwasyong ito pero nasaktan ako sa tanong niya.Para bang sampal iyon sa akin na iyon nga ang estado ng meron kami ni Aaron."Kung wala pa palang kayo, hayaan mo siyang mamatay sa selos. That's the least that I can do for now," malamig niyang saad at basta na lang niya ako nilagpasan.Nagkatinginan kami ni Ate Linlin. Siya, halatang naguguluhan sa nangyari, habang ako ay natulala na lang at tuluyan nang naestatwa sa kinatatayuan."Lika na. Malapit na 'yung sa inyo," anyaya niya at iginiya niya ako sa loob ng backstage.Nadatnan namin si Casper na seryosong nakaupo sa bakanteng monoblock, sa tabi ng mga gamit ko. Bahagya siyang nakayuko habang ang mga braso niya ay nakapatong sa kaniyang tuhod, magkasalikop ang mga kamay.Tumigil ako saglit sa paglalakad upang mag-isip ng sasabihin sa kaniya.Ayaw kong matalo sa kompetisyong ito, lalo na't anlaki ng nagastos nina Mommy. At tutal,
Last Updated : 2026-10-08 Read more