“Ah basta, ayoko!" sigaw ko sa mismong mukha niya saka ko siya tinulak gamit ang buong lakas ko. Akmang hahawakan niya ako sa kamay para pigilan sa pag-alis sa harap niya pero kumaripas na ako ng takbo patungo sa kama. Sumisid ako sa ibabaw ng malambot na kutson, hinila ang makapal na comforter, at mabilis na nagtalukbong mula ulo hanggang paa. Nagmistula akong lumpia dahil sa higpit ng pagkakatalukbong ko. Hindi pa ako nakontento at binaon ko ang ulo ko sa unan. "Ayoko! Hindi ako maliligo! Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo, basta hindi ako maliligo!" sigaw ko mula sa ilalim ng kumot. "Matutulog na ako! At huwag na huwag kang lalapit dito, bwisit ka!"Tumawa siya bago nagsalita. "What's your problem? We already did it last night," wika niya, at kahit hindi ko nakikita ko ang mukha niya ay parang nai-imagine ko na ang nanunuya niyang ngisi. "Ayaw mo ng ganito? Legal na natin 'yun gagawin ulit. There’s no need to hide like a frightened kid under there, Mrs. Ashford.”"Sabing nada
최신 업데이트 : 2026-07-05 더 보기