Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa direksyong sa tingin ko ay daan patungong kusina, habang pilit kong iwinawaksi sa isip ko ang presensya ng mayabang na artistang iyon. Capricorn pala ang mga gāgo, kaya naman pala parehong matigas ang ulo! Sa paglakad ko sa mahaba at marangyang pasilyo, unti-unti akong nakakaamoy ng nakakagutom na aroma ng mainit na sabaw at nagluluting karne. Sinuwerte nga naman, mukhang tama ang direksyon ko. Pagkaliko ko sa kanang bahagi sa dulo ng pasilyo, bumungad sa akin ang isang modernong kusina na mas malaki pa yata sa buong tinitirhan namin ni Tyler.Isang may-edad na babaeng naka-unipormeng chef ang agad na lumingon sa akin habang may kasalukuyan itong inaayos na tray sa gitna ng mesa."Naku, Ma'am Paola! Mabuti naman at bumaba na kayo," masayang bati niya sa akin na agad kong ikinagulat."Ah... opo. Magtatanong lang sana ako kung may pagkain pa—""Nakahanda na po, Ma'am. Ako nga pala si Chef Cora," putol niya sa akin, mabilis na inilapag ang mga pag
Dernière mise à jour : 2026-07-03 Read More