"Hubad na, Paola."Halos mapatid ang hininga ko nang iyan ang unang lumabas sa bibig ni Raf pagkasaradong-pagkasarado niya sa pintuan ng kuwarto namin. Akala ko'y nang-aasar na naman siya pero lalo akong natigilan nang makita kong sobrang lamig at maawtoridad ang paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko habang nakasandal ako sa likod ng pintuan. “I said strip, Paola…” ulit niya pero mas malalim ang kaniyang boses. Napalunok ako. "R-Raf… hindi ka nagbibiro?" kinakabahan kong tanong. Sa totoo lang, nawala bigla ang tapang ko. Ang seryoso talaga ng awra at mukha niya ngayon. Isama mo pa na walang kaemo-emosyon ang kaniyang mga mata. "I said, strip," pinal niyang ulit, walang kaabog-abog ang ekspresyon.Nang hindi ako nakapagsalita ay basta na lang niya dinampot ang nanlalamig ko ng kamay, pagkatapos ay sapilitan niya akong hinila patungo sa kama. “R-Raf, ano bang problema mo?!" asik ko na, dahil kakaiba na talaga ang awra niya ngayon
Last Updated : 2026-07-13 Read more