"So sinasabi mo bang easy to get ako?!" nanggagalaiting singhal ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at basta ko na lang sinuntok ang abs niya. Bahagya siyang napapikit dahil doon. Buti nga sa kaniya!“Eh, gâgo ka pala kung ganun! Akala mo kung sino ka! Ang kapal ng mukha mo!"Akmang sasabunutan ko naman siya pero mabilis na niyang nahuli ang kamay ko, sabay tawa pa. "Hey, calm down. I'm just kidding, okay? I'm kidding, Paola," agap niya."Kidding mo mukha mo! Bitawan mo nga ako!" singhal ko pa rin, sinusubukang bawiin ang mga kamay ko pero masyado siyang malakas."I didn't mean it that way. Stop being so mad," pakawala niya sa mga kamay ko sabay pitik nang mahina sa noo ko. Dinampot niya ulit ang kaninang dalawa polo saka niya iyon ipinakita sa harap ko. "Come on, pick one." Dahil hindi pa rin nababawasan ang inis ko sa sinabi niya ay pahablot kong inagaw sa kaniya ang isang polo saka ko ‘yun hinagis sa nakakairita niyang mukha. "Ayan! Isaksak mo sa baga mo, bwisit!"Kaso mas la
최신 업데이트 : 2026-07-11 더 보기