Akala ko ay hindi na niya ako susundan, pero mali. Pababa na ako ng hagdan nang sumabay siya sa akin, habang bitbit pa rin ang hindi niya mamatay-matay na tawa. Ang sarap niyang sabunutan, Lord!Nandoon na, e. Natigilan na ako at kinabahan, tapos sa huli, nag-jo-joke time na pala. Aba! Tutal favorite mo naman siya, Lord, bakit 'di mo siya binigyan ng skill paano makiramdam sa paligid?"Can you just stop?" nilingon ko siya nang nasa harap na kami ng kusina. "Nakakarindi na 'yang tawa mo!""Alright, fine, I'll stop," he said with a grin I could almost hear.Tinikom niya ang bibig. Bahagya pa niyang itinaas sa ere ang mga kamay bilang pagsuko. Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa kusina. Ngunit ganoon din ang pagtigil ko nang makita ang nakahilerang sangkap ng adobong manok sa nakahanda ng mesa gitna."I bought it a little while ago," he said casually before I could even open my mouth to ask.A smile tugging at the corner of his lips as he leaned against the counter. Ako nama'y sa
Last Updated : 2026-10-20 Read more